Friday, March 31, 2006

Lolo Buendia

Lolo Buendia. Yan ang tawag ko sa kanya. Siya ang paborito kong pulubi sa may hagdanan sa MRT Buendia station. Hukot at kulubot. May walking stick at gusgusing tela na tinali para maging backpack ang getup niya. Paborito ko siya kasi pag binibigyan siya ng biskwit, sandwich o mamiso, tumitingin siya sabay ngiti na parang hindi nakakahiya ang maging pulubi, mahina, matanda at tila wala ng silbi sa mundo.

Nung dalawang buwan ko na siya halos hindi nakita sa may hagdanan, ang daming tumakbo sa utak ko. Patay! As in baka patay na si lolo. O baka naman lumipat lang ng mas mapagkakakitaang pwesto. Hindi kaya nasindikato? Siguro may nakapulot na DSWD at nilagay siya sa Home for the Aged. Baka nakita ng mga anak niyang matagal na siyang hinahanap. Malamang kaya may kumupkop na may magandang loob...

Maling akala pala lahat. Kaninang umaga, nakita ko ulit si Lolo Buendia. Tulad pa rin ng dati. Hukot at kulubot. May walking stick at gusgusing tela na tinaling backpack. At tulad pa rin ng dati, tumitingin siya sa akin sabay ngiti.

Kung bakit sya nawala, paano at bakit siya nakabalik, siya lang ang may alam. Ang alam ko lang, my favorite lolo is back!!!

*Note: Gusto ko sana ng funny spin-off nito, pero wala akong maisip. Ayoko rin namang maging masyadong melo-dramatic kasi kung makikita niyo lang si lolo, magsusumikip talaga ang dibdib niyo (assuming you have a heart at gumagana ito). Yun lang. At natuwa ako nung nakita ko siya kanina dahil nalaman kong hindi pa siya kinuha ni Lord. Seriously, I just had this urge to give him an entry to my blog. Sensya na. Hindi normal ang mga naba-blog ko. Hehehe :) Na-miss ko siya. Yun lang.

Thursday, March 30, 2006

FOUR WEDDINGS AND AN ANNULMENT

Unang Sabado ng Enero. Kinasal si Akey. Nung dumating ang imbitasyon noong Nobyembre, perky na ‘OO’ agad ang sagot ko. Mabait kasi si Akey. Dati ko syang officemate at matagal ko na syang hindi nakikita. Nagkakilala kami sa Atlanta dahil na-exile din siya ron ng matagal. Pero nasubukan ko ang kabaitan ni Akey nung pinayagan nya akong sumabay sa kanya nung pumasyal siya ng Boston. May kaibigan siya ron na may bahay at nagkataong kailangan ko ng murang paraan para makita ang Harvard. Since makapal naman ang mukha ko at masaya naman ako kasama (tinuro ko kay Akey ang expression na ‘Keri’ na nakakabwiset dahil sinasabi nyang Cash and Carry. Corny talaga!), pinayagan niya akong sumama. Mabait, magaling makisama, masarap magluto at isa sya sa iilang lalakeng may taste sa pananamit, gamit at pagkain. In short, cultured. May breeding at class ang lolo mo. Endangered specie si Akey. Kaya natuwa naman ako nung nakita ko syang kinasal. Ang kasal niya ay simple pero elegante. Napaiyak pa nga ako sa ceremony. Leche.

Late January. Annulment. I swore as a witness to an annulment proceeding of an officemate who’s also a friend. It was my first time in the court room and the first time I actually took part in it. It wasn’t like in the movies though. It was quick and formal and very unemotional. Since I have submitted an affidavit a few weeks before, I wasn’t interrogated by the lawyer. I just did the ‘Do you swear the truth and nothing but the truth, so help you God’ part, a few questions about me and that’s it. Half an hour later, I was out of the building. And another half hour later, I was at the office working. (Napa-ingles ako bigla. Sensya na. Pormal kasi e. Sumkinda law and all!)

March. Nung Sabado lang, kinasal si second insan. Ano pa nga ba? E di bridesmaid ako. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang color motif. Sumisigaw na yellow at naghuhumiyaw na green. Tumpak. Mukha akong citrus fruit. Kulang na lang head dress na mga pinya, lemon at banana at pwede na ako sa Copacobana. Pero siyempre, dahil charming naman ako, nadala ko naman ang gown (Wag na lang kayong magpapa-send ng pics. Magtiwala na lang kayo sa akin.) Datzit! Dinala na lang sa ganda. Parang kelan lang, nagpapabugaw pa si Ronald sa classmate kong kapangalan ko rin. Bata pa ako non. At ano ba naman alam ko sa matchmaking? Just like any dense late bloomer, dedma ako sa mga lalake at lalong hindi ko alam kung pano mangbugaw. In short, walang napala ang insan ko sa akin. Well, now I know why. Kaya pala hindi ko siya binugaw ron dahil ito pala ang makakatuluyan niya.

Next attraction…June 10. Mapo-promote ako ng konti. Bridesmaid no more. Yez. Maid of honor ako. Wala naman kasing choice si ate. Yez. Dalawa lang kami. Finally, ikakasal na rin. At dahil special, sa separate blog entry ang kwento nito…

Coming soon, December. Mawawalan ba naman ng wedding ng December? Parang every December ata, may kinakasal na kakilala ko. Classmate ko from elementary until highschool, ikakasal na rin. Actually, kinasal na siya ng civil. Take 2 na lang to, once more, this time with a priest. Highschool reunion ito. Parang JS Prom ulit kasi naka-gown kami lahat. Yun lang, no more teenage acne dahil lahat mid-20s na. No more weird makeup dahil lahat marunong ng mag-makeup mag-isa (unless magpa-Bambi Fuentes ang mga lola mo). No more escorts na nahila lang a few weeks before the dreaded night dahil ang mga hitad bitbit na ang mga boyfriend o kung hindi naman ang kanilang mga fiance. Matagal pa ‘to pero nai-imagine ko na. Hindi naman ito ang unang kasalan sa barkada. Pangalawa na ‘to kung sakali. Masaya to for sure. Riot. Maingay. Emotional. Magkakalagasan na naman ulit.

So anong lesson? Anong point? Wala lang…nasanay naman kayo na sa bawat blog entry ko may takeaway. For a change, gusto ko lang magkwento. Wala lang. Share ko lang. :) My Four Weddings and an Annulment :)

Thursday, March 16, 2006

Those Simple Things

Those Simple Things

I was having trouble sleeping last night from eating too much (hindi ba naman makuntento sa dinner, nag-Gonuts Donut pa at uminom ng gatas…!) when I chanced upon my Dad’s guitar. The sight of it brought a warm pleasant feeling. And then I thought about those other things that have that same effect on me. Next thing I knew, I was making a list in my head which went on and on. I had to grab the nearest pen and paper I can find to keep track.

Maybe you can relate to some of the things mentioned below. To some of the things listed here, I don’t expect you to understand since they are things in the list which are very personal…weirdly personal and personally weird. Hehehe :)

These are my own set of simple things.

- popping all the ‘bubbles’ in the bubblewrap
- shaking a snowglobe and seeing each styrosnow slowly fall and settle
- looking at my Dad’s guitar
- seeing a real snowflake up close for the first time and being amazed at how
perfect it looked
- getting a snail mail
- cracking the cheese covering on a cup of onion soup
- cracking a creambrulee
- seeing Mom’s dried colorful hand gloves
- tearing that intricately done wrapper from its gift
- seeing a curled up sleeping cat along a sidewalk (meron nito lagi sa
Buendia jeep station sa tabi ng mga jollyjeeps)
- that bubbling sound you hear whenever you get water from the dispenser
pampagising ko!)
- the cracking sound when you step on a dried leaf
- the shhhhhhh-ing sound when pouring sprite on dried ice cubes (aaaahhh…
refreshing! pang-softdrink commercial!)
- an old man/woman singing and playing the electric guitar (I’m particularly fond of
that old blind man playing by the MRT GMA Kamuning Station)
- bobbing up and down of a mechanical chick toy (na binili ko rin sa GMA Kamuning
Station na nagkalat na sa cubes dito sa office…Bente pesos lang! Bili na kay
Manong! hehehe :) )
- the smell of the air freed from a newly-opened package/box from the US
(amoy-Estados Unidos!)
- sunrise and sunset by the beach (basta BEACH. Period)
- a good loud relieving sneeze (hatchooooooooooo!)
- sound of waves rushing to shore on an early morning
- sight of growing waves in the late afternoon
- the feel of warm powdery white sand on the soles of my feet
- sound of plane speeding up the runway just right before it takes off
- the creases formed near the old woman’s eyes when she smiles
- a friend running to meet you
- Sprite and apple juice mixed in one cold drink (aaaahhhhh…)
- sound of a long-distance phone call (kahit super linaw pa ng reception)
- seeing a long-time crush in flesh (who you only ogle in TV)
- seeing Nicholas Cage’s hand and shoe prints for the first time
- isaw and fish balls at UP (enough said)
- accidentally finding a bill in your wallet (nice surprise!)
- accidentally finding a coin/bill on the street (blessing!)
- a towel around a jeepney driver’s neck (the best kung Good Morning towel)
- finding a hole on a jeepney driver’s shirt
- seeing the dirty nearly black hand of a jeepney driver as you hand him your fare
- sound of an awkward silence
- that hot feeling on your face when you know you’re blushing
- finding that perfect white shirt that you can wear with anything
- waking up next to someone you love
- waking up to a good hair day
- text message, phonecall, chat message from a faraway friend or someone you haven’t
heard from for a long time
- seeing a dear friend walking down the aisle
- crisp sound of a newly-sharpened pencil on a smoothly-lined paper
- church bells ringing from afar
- getting on an empty train in the morning
- that innocent subtle shy smile on a baby cramped on her/his mother’s arms
- a toothless smile from a baby or from an old man/woman
- a pregnant woman being offered a seat
- the many faces of a security guard
- sound of Kropek absorbing vinegar
- the many implications of seeing that cracking paint on the wall
- opening the fridge and finding mom’s homemade eyecream
- lighting a candle
- the anticipation you feel upon seeing a stack of borrowed movies (DVDs)
you haven’t watched
- Clover Cheese and spicy vinegar (that's it)
- watching people at the airport’s arrival terminal
- passing by a flowershop and finding tulips for sale
- an old couple holding hands
- hearing a Beatles song which my dad used to play
- passing by an old church

They say you can find joy in simple things. You just have to know which ones can make you happy. These are my own set of simple things. My aim is to make the list longer…:)

Wednesday, March 15, 2006

PLASTIK AIRLINE CUP TOO

Excuse me. Please turn off your digicam. We’re about to take off’. Sagot naman ako ng ‘Sure!’ sabay ngiti. As if binigyan mo ako ng choice di ba? Hmm…pero pretty siya a. Malamang nasa late 20’s. Pero kawawa naman ang pretty flight attendant na ito. Ang hirap yata na ang sira ang body clock at paroon at parito sa iba’t ibang lugar. Akala ng marami, masaya ang lipad ng lipad. Akala nila glamorosa ang trabahong puro airline food ang kinakain. Akala nila masaya ang malayo palagi. Hay naku! Mamatay na silang lahat kasama ang mga maling akala nila.

‘Ting!’ sabay turn-off ng seatbelt button. Ayos. Puwede nang maglamyerda sa plane. Weno ngayon? May pwede pa bang ibang gawin kundi pumunta sa claustrophobic lavatory? Basta ako, planado na ang buhay ko sa susunod na apat na oras. Matutulog ako at paggising ko, nakalapag na ang eroplano at matatapos na rin ang lahat. Ito na ang huling lipad ko sa kahibangan. Iisipin ko na lang, parang bakuna lang ito na masakit pero makakabuti sa akin. Parang kagat lang ng langgam. Pero naman! Hindi nila sinabing ang langgam pala ay kasing laki ng elepante.

O, eto. Eto na ang bagong hasang kutsilyo. Saksakin mo na ako ngayon. Pagkahiwa, pigaan mo na rin kaya ng dayap at budburan ng asin. Ano, Fate? Masaya ka na?

‘Hi, is this your first-time to fly?’ Not to be rude pero gusto ko talagang matupad ang simpleng plano ko. Seryosong pagpapaantok ito. Wala ako sa mood para ikwento kung bakit ako lilipad patungong LA at kung bakit ako mukhang estudyante. Kaya’t sinagot ko ng simpleng ‘Nope’ sabay tingin sa kanila ng inaantok na mga mata sa pagbabakasakaling makukuha nila akong pabayaan sa aking pagkukunwari. Ngunit napatigil ako. Sa isang masikip na eroplanong puno ng pagod at bagot na tao, nakakapanibagong makakakita ng masasayang mukha. Maliwanag na puti na ang mga buhok nila. May mga kulubot sa gilid ng mga labi at sa noo. Ngunit hindi ang kulubot at maugat nilang mga kamay ang nagpagising sa akin. Hindi rin ang gold wedding bands. Nagising ako dahil nakita kong magkahawak sila ng kamay. Sabay napaisip ako. Ilang dekada na kaya? Apat? Lima?

Anak ng pating! Nakakaloka ka talaga kapalaran. Tama ba namang itabi mo sa akin ang larawan ng ‘happily ever after’ habang naglalakbay ako para tapusin ang ‘forever’ kong tumagal lang ng pitong buwan? Is this some kind of a sick joke? Kasi sa totoo lang hindi nakakatawa.

Hayun. Ang ‘nope’ ko ay nasundan ng kwentuhan. Nalaman ko na bibisitahin nila ang anak at mga apo nila sa LA at taga-Florida sila. Nalaman ko na 50 years na silang kasal. Nalaman ko na ayaw na ni lolo ang lumipad ngunit si lola hindi matiis hindi makita ang mga apo. Siyempre wala namang magawa ang lolo natin. Hindi rin kasi niya matiis na makitang magbyahe ng mag-isa si lola. Habang pinapakinggan ko ang kwento nila, hindi mawala sa mukha ko ang ngiti. Totoo pala noh? Some people do grow old together. Parang nangungutya ang Diyos nang tinabi nya ako sa mag-asawang ito. ‘Hija, mukhang sa mga pinagagagawa mo, malayo ka pa sa gusto mo.’

Malayo pa nga siguro pero hindi imposible. Simple lang naman ang gusto ko. Makita ang taong hindi ako matitiis at sasama sa akin kahit matigas ang ulo ko at gusto ko maglamyerda. Makita ang taong hahawakan ang kamay ko kahit kulubot na. Makita ang taong alam na ang panghabangbuhay ay hindi tatagal lamang ng pitong buwan, ng isang taon o ng dalawang taon.

‘How about you? Why are you flying to LA?’ ‘I’m visiting an old friend. I know I won’t be seeing him much in the future’. ‘Oh that’s sad. Are you leaving the US soon?’ ‘Yes, I’ll be leaving soon. This could be the last time I’d see him. God knows when I’ll be here again!’

Maya-maya lang, dumaan ang flight attendant. ‘Would you like another drink?’ ‘Just another cup of water, please?’

Eto na naman kami…ako at ang plastik airline cup. Once more, this time with feelings…

Tuesday, March 07, 2006

Bagong Bayani

Sabi nila sila raw ang mga bagong bayani. Ang mga OFW na nagpapakahirap at nagpapakasakit magtrabaho sa ibang bansa para makagpasok ng dolyar sa Pilipinas. Kalimutan na ang niyog, bigas at mangga. Tao na ang pinakamalaking export ng bansa natin. Tao. Isipin mo nga naman no? Habang manufactured goods at assembled products ang inaangkat ng ibang bansa, sa Pilipinas, talinong tunay, mga banat na braso at lustay na kamay ang pinagkakakitaan. Bagong bayani. Bayani nga ba? Ewan ko. Sa tingin ko parang mas bagay na tawaging biktima.

Magaling ang Pinoy. Kahit saan mang lupalop mo itapon, umaasenso. May likas na talino at kakayanan at may diskarte sa buhay. Bigyan mo lang ng trabaho, konting panahon lang, aasenso na. Galing di ba? Pero mas bibilib ako kung hindi na natin kailangang itapon pa ang galing ng Pinoy sa labas. Bakit ba hindi natin magawang tayo mismo ang makinabang sa mga yaman ng mga taong ine-export natin?

Kung may trabaho lang ba rito, kung makakain lang ba ang nais sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kung mapag-aaral ko lang ang mga anak ko, kung makakapagpundar sana ng bahay at hindi habangbuhay uupa sa isang maliit na silid sa may kalye…hind naman ako aalis. Wala pa akong nakilalang OFW na natutuwa na nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Kadalasan, lungkot ang makikita sa pagod na mga mata. Sino bang may gusto na mapalayo sa pamilya at sa mga kaibigan? Sino bang gustong ubusin ang kabataan at lakas sa bansang banyaga? Sino bang magulang ang gustong hindi makitang lumalaki ang mga anak nila? Ngunit hindi ka maaring manghusga kung kalam ng tiyan na ang pinag-uusapan. May babalik din sayong tanong. Sino bang magulang ang ayaw ibigay ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila?

Sa bawat magulang na lumilisan ng bansa, may mga anak na naiiwan. At sa anak na nakikitang sa ibang bansa lang makukuha ang kaginhawahan, may murang isipan na nasasabihan na sa ibang bansa lang may pag-asa. Hindi masamang sabihin ang totoo. Ngunit habang pinapalaki natin ang ating mga anak na nag-iisip na nasa ibang dako ng mundo ang swerte sa buhay, mas nahuhubog ang katotohanan. Sa mga kabataang ito, unti-unting sumusuot sa kanilang kamalayan na lilisanin mo rin ang Pinas pagkatapos mong makapag-aral.

Sa bawat kabataan na umalis ng bansa, may diplomang nasayang dahil hindi nagamit ang pinag-aralan. Iilan lang ba ang tunay na nagamit ang pinag-aralan pagkatapos umalis ng bansa? Hindi ba’t kailangan pa nilang mag-aral ulit o kaya tanggapin ang mga trabahong hindi naman angkop sa kakayanan? Ang mga doktor, nagiging nurse. Ang mga computer literate nagiging caregiver. Ang mga business graduates, nagbabantay sa day care centers. Kailangang kalimutan ng Pinoy kung sino siya at yumuko ng tuluyan upang mabuhay sa ibang bansa. Hindi ba’t nakakalungkot at nakakapanghina ang katotohanang ito? Hindi ba kayo napapatanong? Ganon ba talaga dapat ang buhay? Biktima na ba talaga ang Pinoy ng mga situwasyon na tila wala ng pag-asang mabago? Kahirapan, kawalang-trabaho, paghahanap ng opurtinidad na umasenso, pamumuhay para sa kinsenas at katapusan, mga utang na kahit ang apo mo sa tuhod ay magmamana. Tila ba black hole ang Pinas na kailangan mo ng lisanin bago ka pa man higupin ng buhay?

Kung ang bayani ay ang Pinoy na nagpapakasakit para sa dolyar, kung ang bayani ay ang magulang na nakikitang lumalaki sa ibang kanlungan ang mga anak, kung ang bayani ay ang kabataan na kailangang lisanin ang bansang kanyang kinalakihan upang makatulong sa pamilya at mapag-aral ang mga nakakabatang kapatid, kung ang bayani ay ang doktor na piniling maging nurse upang kumita ng mas malaki, kung ang bayani ay ang mga kasambahay natin na nag-aaral ng care giving upang makatapak sa ibang bansa…masyado nang maraming bayani sa atin. Panahon na siguro para ibigay natin ang nararapat sa mga bayaning ito. Panahon na para maparangalan natin sila…at pauwiin.

*Note: Hindi ako nagmamarunong. Sinulat ko lang ito dahil sa bugso ng damdamin. Alam kong hindi naman simple na mapauwi ang mga OFW lalu pa't wala namang magandang nagaganap sa Pilipinas. Ayokong sisihin na ang gobyerno. Alam naman nating magnanakaw silang lahat. Ngunit hindi lang obligasyon ng gobyerno na pauwiin sila. Bawat isa sa atin kailangang maisip na may long-term effects ang pagkakaroon ng dumaraming OFW. OFW din ang tatay at kapatid. Naging OFW din ako pansamantala. Mahirap talaga kapag pera-pera na ang usapan. Ngunit ayoko lang makita na wala ng natira sa Pilipinas. Ayoko rin umalis. Sana hindi dumating ang panahon na kailangan ko ring umalis.

Friday, March 03, 2006

We Can Never Can Tell

So risk. Risk being vulnerable. Risk falling in love first. Risk saying yes even if you are terrified the other person will turn away. Risk being you when your fears tell you to be anything but. Risk putting boundaries in place and saying no. Risk being worth someone's effort. Risk asking for love. Risk anything that stands between you and your ability to be the loving presence you are when fear is running the show. Love may be rusty, but don't let that stop you. It's like riding a bike. Accept the risk. Get on and start pedaling. It will all come back- it always does."

--Rhonda Britten

Hindi ko kilala si Rhoda pero natuwa ako sa sinabi nya. Winner ang lola. Powerful. Sinasabihan tayo na huwag maging duwag at huwag matakot sa pakikibaka sa buhay lalo na sa love (I am so lalim today...I don't know why). Saan kaya hinugot ni Rhoda ang drama niya? Nabigo na ba sya? Nagwagi? Hindi pa kaya sya nagmamahal? Bakla kaya si Rhoda at ang totoo nyang pangalan ay Rholando (yes, with an H)? Single kaya siya? Single mom kaya? Married? Divorced? With children? With child? O just a child?

Pagpasensyahan nyo na. Malikot lang minsan utak ko. Kapag may nababasa kasi akong mga quotable quotes, iniisip ko kung bakit nila nasabi yun at kung anong perspektibo meron sila. Ang isang bagay, maaring makita mula sa ilang daang direksyon. Ika-nga nila, they are different ways of reading. Pero may mga pagkakataon na swak ang reading ng isang tao at BAM. SAPOL! Masasabi mo na 'Omy! Yes! Like that! I can so relate! That's me! Perfetch!' (Kung eksaktong yan din ang sinsasabi mo sa utak mo, either bakla ka o soulmates tayo! Pakilala ka sa akin. Mag-comment ka rito! Hehehe).

Bottomline? Take the risk. You only live once - as who you are now in this lifetime (baka sa susunod, aso ka na o palaka. Hindi natin masabi ang karma). Love like you never got hurt. Maybe it's right. Some people may not have been even worth that honest chance. There are rotten apples pero dedma na. Isipin mo na lang, para saan pa ang karma kung wala sila? To my friends, V, G, J and K na ginawa akong sponge at hingahan ng sama ng loob for the past months (baka patayin niyo ako kapag sinabi ko mga pangalan niyo e), believe there is that someone who will be worth spending your every single moment with. God has His mysterious ways of showing who and telling you when. Huwag ka lang maatat. Pero huwag ka ring sobrang ingat at sobrang takot. Sabi nga ni Rholando (aka Rhonda), take the risk. You never know when it just might be worth it :)

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter