Friday, March 31, 2006

Lolo Buendia

Lolo Buendia. Yan ang tawag ko sa kanya. Siya ang paborito kong pulubi sa may hagdanan sa MRT Buendia station. Hukot at kulubot. May walking stick at gusgusing tela na tinali para maging backpack ang getup niya. Paborito ko siya kasi pag binibigyan siya ng biskwit, sandwich o mamiso, tumitingin siya sabay ngiti na parang hindi nakakahiya ang maging pulubi, mahina, matanda at tila wala ng silbi sa mundo.

Nung dalawang buwan ko na siya halos hindi nakita sa may hagdanan, ang daming tumakbo sa utak ko. Patay! As in baka patay na si lolo. O baka naman lumipat lang ng mas mapagkakakitaang pwesto. Hindi kaya nasindikato? Siguro may nakapulot na DSWD at nilagay siya sa Home for the Aged. Baka nakita ng mga anak niyang matagal na siyang hinahanap. Malamang kaya may kumupkop na may magandang loob...

Maling akala pala lahat. Kaninang umaga, nakita ko ulit si Lolo Buendia. Tulad pa rin ng dati. Hukot at kulubot. May walking stick at gusgusing tela na tinaling backpack. At tulad pa rin ng dati, tumitingin siya sa akin sabay ngiti.

Kung bakit sya nawala, paano at bakit siya nakabalik, siya lang ang may alam. Ang alam ko lang, my favorite lolo is back!!!

*Note: Gusto ko sana ng funny spin-off nito, pero wala akong maisip. Ayoko rin namang maging masyadong melo-dramatic kasi kung makikita niyo lang si lolo, magsusumikip talaga ang dibdib niyo (assuming you have a heart at gumagana ito). Yun lang. At natuwa ako nung nakita ko siya kanina dahil nalaman kong hindi pa siya kinuha ni Lord. Seriously, I just had this urge to give him an entry to my blog. Sensya na. Hindi normal ang mga naba-blog ko. Hehehe :) Na-miss ko siya. Yun lang.

2 Comments:

At 9:18 AM, Blogger Porsh said...

consi!!!
mag-blog ka na... dumaan na ang pasko (ng pagkabuhay) hindi ka pa rin nagb-blog...

cge na ;P

 
At 7:42 AM, Blogger Vitamin Cee said...

Ayan, nag-blog na ako. pramis, i'll try my best to write more now. musta ka na dear? mag-online ka naman...may kwento ako :)

 

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
FOUR WEDDINGS AND AN ANNULMENT
Those Simple Things
PLASTIK AIRLINE CUP TOO
Bagong Bayani
We Can Never Can Tell
HUWAY
It’s Friday…I’m In Love
Buendia Jeep
RELATIONSHIPS ET AL
BORA-GAY ALPHABET
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter