Impaktang Impacted
5th day na ng pagiging 'Walking Pear' ko. Bakit pear? Ok. Ano ba hitsura ng pear? Ang pear may batik-batik sa taas di ba? Makipot sa taas tapos biglang lobo sa baba? Ayun, ganon mukha ko. May batik-batik sa paligid ng mata kasi nagpa-cauterize ako ng warts the morning before I had my 2 impacted teeth taken out. Hindi naman ako masokista. Wala lang na talaga akong oras. Kaya dahil leave ako, pinagsama ko sya sa isang araw. Warts sa umaga, 2 impacted teeth sa hapon. Awa ng Diyos kinaya ko naman. Umiyak lang ako sa sakit nung sa pangalawang ngipin na yung tinatanggal at nung mga 1 hr and 45mins nang hinihinila paroo't parito ung bibig ko para lang makuha yung hinayupak na super impacted at super taas na malaking ngipin sa right side ko. Yup, left side sa ibaba naman yung isa. Kaya nga pear ang shape ko. Both cheeks maga at parehong mabilog.
So for the past 4 days, soup na malamig at blended fruits lang kinakain ko. Instant diet. Detox para parang celebrity! Hindi naman ako nagrereklamo. Nagsawawa lang na ako. Pero ok na rin dahil tumaba ako based on the gown fitting I had last week. E pano ba naman! Bago ako mag-gown fitting, lumafhos pa kami sa Dencio's at nag-halu-halo sa Iceberg's pa pagkatapos sa Metrowalk. Walang pakundangan! Ayun, 2 tao ang nag-zipper ng damit ko. HAHAHAHA. So ayun, blessing in disguise na rin 'to. Sana lang may ipayat naman ako sa paghihirap kong 'to dahil sawa na ako sa malamig na sopas. Haaaaay...buhay!
Wala namang nabago. Kahit na nung nilalagnat ako nung Huwebes at Biyernes, work pa rin ako at calls dito at doon dahil walang kinikilalang operada ang client namin. Kahit na soft spoken ako, calls pa rin. Well, ngayon nakakasalita na ako pero masakit lang tumatawa. So aside from bawal akong kumain ng matino, bawal din akong masaya. Ngiti na bitin lang pwede. Ang mag-joke sa paligid ko bubunutan ko ng ngipin. Yup, brutal kung brutal. Damay-damay na 'to!
Gusto ko na gumising bukas at makitang normal na mala-Serg's football na ang mukha ko. Pero malabo pa yun. Sabi ni doc, tatanggalin pa lang nya ang tahi sa Miyerkules so baka dun pa lang medyo humupa na ang swelling. So goodluck ulit sa akin. I'm sure mga 2 linggo pa akong soft diet. Iniisip ko nga mag-Gerber o Cerelac na lang pag nagsawa na ako sa mga sopas. Isipin ko pa at iche-check ko pa ang flavors.
Wala ng sense 'to. Matutulog na ako. Gusto ko lang mag-blog kasi ito na yata ang pinakamasakit na operasyon ko to date. Sana mas masakit na 'to sa panganganak. Malalaman natin. Siguro in 3 yrs time.
Haaaaaay!!! Meme na pear! :)
1 Comments:
sorry, i have to comment.. preggy in 3 years time???? i doubt :)
ninang ako ha! :) mwah!
Post a Comment
<< Home