Wednesday, November 14, 2007

Wrinkles????

Meron akong bagong addiction. Eye cream.

Pramis. Ang dami ko na atang nabili at na-research tungkol sa eye cream simula nung nakita kong may undereye lines na ako. AS IN. PANIC ang lola mo. Sabi kasi nila lalabas yan pag late 20s ka na. E nandun na ako e. Nasa bracket na ako ng late 20s. Nakakahiya mang aminin pero vain ako. Yes. Lalo na sa skin. For the longest time, pini-pimple ako. Last year lang ako nawalan ng pimples and I mean yung mga tipong nakakadiri na pinapakita sa before pictures ng Pro-Activ. Salamat sa derma kong super galing at pinatay nya ang mga active oil glands ko. O di ba? Ang galing!!! So ayun. Ganon katindi. Since pinatay ni doc ang aking mga active oil glands, wrinkles around my eyes naman ang problema ko. Nakakainis talaga. Parang walang matinong choice. Kaya heto, hello to Oil of Olay Regenerist, Aveeno, Roc Night Cream at Burt's Bees Eye Cream.

Sabi nga nila, responsibilidad ang maging maganda. So nagiging responsible lang ako. At oo na. At vain.

Friday, November 09, 2007

I Was No Picnic

I was listening to mp3s of Ani DiFranco that I downloaded and I came across her song - Hypnotized. The song has these lines which struck me.

And I was no picnic
No, I was no prize
But I had just enough sweetness
To keep you hypnotized
So that's how you found me
Rain fallin' around me

I'll post the song in multiply (http://www.charmingconsi.multiply.com/). It's a sad yet sweet song. I think at it's most shallow level, it's about being away and being in the worst situation. But lucky girl, even in the deepest shit, she found someone. It's nice to know good things can happen even when you're in the worst circumstances.

Thursday, November 08, 2007

Kalokohang Pick-Up Lines


As usual, nag-over na naman sa limit ang email ko. Kesa tumanga at mag-day dream kung pano ko gagamitin ang bago kong Conair Infiniti Tourmaline Ceramic Curling Iron na kakabili ko lang sa Ulta (ay, ba't ang daming side comments?!), naisip kong mag-delete na lang ng mga emails na wala ng addded value sa buhay ko. At habang nagbubura ng mga kung anu-ano, nakita ko ang isa sa mga importanteng emails na hindi ko nabura...List of Pick-up Lines!!! Luma na 'to pero patok pa rin! :)
Haaay...Naalala ko pa nung finoward ko pa 'to sa mga officemates ko dahil in furnez nakakatawa naman talaga yung iilan dito (at may mga nakakainis din)! No. 3 at 7 ang mga lines na patok sa akin.
So, baka lang kelangan nyo ng date sa Pasko?! Heto ang mga nakakatawang pick-up lines. Go, go, go!!! Ma-mick-up na!!! :p

1. Minamalat na naman ang puso ko...
paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo...

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola?
ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko...

3. Uy picture tayo!!!
para ma-develop tayo!!!

4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita?
hinde, para lagi kita mamimiss...

5. Can i take your picture??
coz i want to show Santa exactly what i want for christmas!

6. Ako ay isang exam.
Kaya sagutin mo na ako...

7. Nde tayo tao... Nde tayo hayop...Eh ano tayo ?
"BAGAY" tayo!
8. Centrum ka ba??
kasi you make my life complete!

9. Miss pwede ba kita maging driver?
para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko...

10. Mahilig ka ba sa asukal?
ang tamis kasi ng mga ngiti mo...

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard?
kasi type kita.. .

12. I hate to say this but... You are like my underwear...
coz i can't last a day without you!

13. Ibibili kita ng salbabida...
kasi malulunod ka sa pagmamahal ko...

14. Are you Jamaican?
kasi Ja-maican me crazy!

15. Sana "T" na lang ako..
para i'm always right next to "U"

16. May kilala ka bang gumagawa ng relo?
may sira ata relos ko... pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras...

17. Me lisensya ka ba?
coz you're driving me crazy!

18. I'm a bee...
can you be my honey?

19. Nakakatakot di ba ang multo?
pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa buhay ko...

20. Am I a bad shooter?
coz i keep on missing you...

21. Excuse me... Are you a dictionary?
because you give meaning to my life...

22. Naniniwala ka ba sa love at first sight?
O gusto mong dumaan ulit ako?

23. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh?
kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad...

24. Hey, did you fart??
coz you blew me away!!

25. Bangin ka ba?
Baket ako nahulog sayo ?

26. Pustiso ka ba?
kasi, can't smile without you...

27. Pagod na pagod ka na noh?
maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh...

28. Me butas ba puso mo?
kasi na-trap na ako sa loob, can't find my way out!

29. Anung height mo??
ha?? pano ka nagkasya sa loob ng puso ko...

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter