Wednesday, March 15, 2006

PLASTIK AIRLINE CUP TOO

Excuse me. Please turn off your digicam. We’re about to take off’. Sagot naman ako ng ‘Sure!’ sabay ngiti. As if binigyan mo ako ng choice di ba? Hmm…pero pretty siya a. Malamang nasa late 20’s. Pero kawawa naman ang pretty flight attendant na ito. Ang hirap yata na ang sira ang body clock at paroon at parito sa iba’t ibang lugar. Akala ng marami, masaya ang lipad ng lipad. Akala nila glamorosa ang trabahong puro airline food ang kinakain. Akala nila masaya ang malayo palagi. Hay naku! Mamatay na silang lahat kasama ang mga maling akala nila.

‘Ting!’ sabay turn-off ng seatbelt button. Ayos. Puwede nang maglamyerda sa plane. Weno ngayon? May pwede pa bang ibang gawin kundi pumunta sa claustrophobic lavatory? Basta ako, planado na ang buhay ko sa susunod na apat na oras. Matutulog ako at paggising ko, nakalapag na ang eroplano at matatapos na rin ang lahat. Ito na ang huling lipad ko sa kahibangan. Iisipin ko na lang, parang bakuna lang ito na masakit pero makakabuti sa akin. Parang kagat lang ng langgam. Pero naman! Hindi nila sinabing ang langgam pala ay kasing laki ng elepante.

O, eto. Eto na ang bagong hasang kutsilyo. Saksakin mo na ako ngayon. Pagkahiwa, pigaan mo na rin kaya ng dayap at budburan ng asin. Ano, Fate? Masaya ka na?

‘Hi, is this your first-time to fly?’ Not to be rude pero gusto ko talagang matupad ang simpleng plano ko. Seryosong pagpapaantok ito. Wala ako sa mood para ikwento kung bakit ako lilipad patungong LA at kung bakit ako mukhang estudyante. Kaya’t sinagot ko ng simpleng ‘Nope’ sabay tingin sa kanila ng inaantok na mga mata sa pagbabakasakaling makukuha nila akong pabayaan sa aking pagkukunwari. Ngunit napatigil ako. Sa isang masikip na eroplanong puno ng pagod at bagot na tao, nakakapanibagong makakakita ng masasayang mukha. Maliwanag na puti na ang mga buhok nila. May mga kulubot sa gilid ng mga labi at sa noo. Ngunit hindi ang kulubot at maugat nilang mga kamay ang nagpagising sa akin. Hindi rin ang gold wedding bands. Nagising ako dahil nakita kong magkahawak sila ng kamay. Sabay napaisip ako. Ilang dekada na kaya? Apat? Lima?

Anak ng pating! Nakakaloka ka talaga kapalaran. Tama ba namang itabi mo sa akin ang larawan ng ‘happily ever after’ habang naglalakbay ako para tapusin ang ‘forever’ kong tumagal lang ng pitong buwan? Is this some kind of a sick joke? Kasi sa totoo lang hindi nakakatawa.

Hayun. Ang ‘nope’ ko ay nasundan ng kwentuhan. Nalaman ko na bibisitahin nila ang anak at mga apo nila sa LA at taga-Florida sila. Nalaman ko na 50 years na silang kasal. Nalaman ko na ayaw na ni lolo ang lumipad ngunit si lola hindi matiis hindi makita ang mga apo. Siyempre wala namang magawa ang lolo natin. Hindi rin kasi niya matiis na makitang magbyahe ng mag-isa si lola. Habang pinapakinggan ko ang kwento nila, hindi mawala sa mukha ko ang ngiti. Totoo pala noh? Some people do grow old together. Parang nangungutya ang Diyos nang tinabi nya ako sa mag-asawang ito. ‘Hija, mukhang sa mga pinagagagawa mo, malayo ka pa sa gusto mo.’

Malayo pa nga siguro pero hindi imposible. Simple lang naman ang gusto ko. Makita ang taong hindi ako matitiis at sasama sa akin kahit matigas ang ulo ko at gusto ko maglamyerda. Makita ang taong hahawakan ang kamay ko kahit kulubot na. Makita ang taong alam na ang panghabangbuhay ay hindi tatagal lamang ng pitong buwan, ng isang taon o ng dalawang taon.

‘How about you? Why are you flying to LA?’ ‘I’m visiting an old friend. I know I won’t be seeing him much in the future’. ‘Oh that’s sad. Are you leaving the US soon?’ ‘Yes, I’ll be leaving soon. This could be the last time I’d see him. God knows when I’ll be here again!’

Maya-maya lang, dumaan ang flight attendant. ‘Would you like another drink?’ ‘Just another cup of water, please?’

Eto na naman kami…ako at ang plastik airline cup. Once more, this time with feelings…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
Bagong Bayani
We Can Never Can Tell
HUWAY
It’s Friday…I’m In Love
Buendia Jeep
RELATIONSHIPS ET AL
BORA-GAY ALPHABET
Haller 2006
Mga Pampalipas Oras
Haller Blogspot
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter