FOUR WEDDINGS AND AN ANNULMENT
Unang Sabado ng Enero. Kinasal si Akey. Nung dumating ang imbitasyon noong Nobyembre, perky na ‘OO’ agad ang sagot ko. Mabait kasi si Akey. Dati ko syang officemate at matagal ko na syang hindi nakikita. Nagkakilala kami sa Atlanta dahil na-exile din siya ron ng matagal. Pero nasubukan ko ang kabaitan ni Akey nung pinayagan nya akong sumabay sa kanya nung pumasyal siya ng Boston. May kaibigan siya ron na may bahay at nagkataong kailangan ko ng murang paraan para makita ang Harvard. Since makapal naman ang mukha ko at masaya naman ako kasama (tinuro ko kay Akey ang expression na ‘Keri’ na nakakabwiset dahil sinasabi nyang Cash and Carry. Corny talaga!), pinayagan niya akong sumama. Mabait, magaling makisama, masarap magluto at isa sya sa iilang lalakeng may taste sa pananamit, gamit at pagkain. In short, cultured. May breeding at class ang lolo mo. Endangered specie si Akey. Kaya natuwa naman ako nung nakita ko syang kinasal. Ang kasal niya ay simple pero elegante. Napaiyak pa nga ako sa ceremony. Leche.
Late January. Annulment. I swore as a witness to an annulment proceeding of an officemate who’s also a friend. It was my first time in the court room and the first time I actually took part in it. It wasn’t like in the movies though. It was quick and formal and very unemotional. Since I have submitted an affidavit a few weeks before, I wasn’t interrogated by the lawyer. I just did the ‘Do you swear the truth and nothing but the truth, so help you God’ part, a few questions about me and that’s it. Half an hour later, I was out of the building. And another half hour later, I was at the office working. (Napa-ingles ako bigla. Sensya na. Pormal kasi e. Sumkinda law and all!)
March. Nung Sabado lang, kinasal si second insan. Ano pa nga ba? E di bridesmaid ako. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang color motif. Sumisigaw na yellow at naghuhumiyaw na green. Tumpak. Mukha akong citrus fruit. Kulang na lang head dress na mga pinya, lemon at banana at pwede na ako sa Copacobana. Pero siyempre, dahil charming naman ako, nadala ko naman ang gown (Wag na lang kayong magpapa-send ng pics. Magtiwala na lang kayo sa akin.) Datzit! Dinala na lang sa ganda. Parang kelan lang, nagpapabugaw pa si Ronald sa classmate kong kapangalan ko rin. Bata pa ako non. At ano ba naman alam ko sa matchmaking? Just like any dense late bloomer, dedma ako sa mga lalake at lalong hindi ko alam kung pano mangbugaw. In short, walang napala ang insan ko sa akin. Well, now I know why. Kaya pala hindi ko siya binugaw ron dahil ito pala ang makakatuluyan niya.
Next attraction…June 10. Mapo-promote ako ng konti. Bridesmaid no more. Yez. Maid of honor ako. Wala naman kasing choice si ate. Yez. Dalawa lang kami. Finally, ikakasal na rin. At dahil special, sa separate blog entry ang kwento nito…
Coming soon, December. Mawawalan ba naman ng wedding ng December? Parang every December ata, may kinakasal na kakilala ko. Classmate ko from elementary until highschool, ikakasal na rin. Actually, kinasal na siya ng civil. Take 2 na lang to, once more, this time with a priest. Highschool reunion ito. Parang JS Prom ulit kasi naka-gown kami lahat. Yun lang, no more teenage acne dahil lahat mid-20s na. No more weird makeup dahil lahat marunong ng mag-makeup mag-isa (unless magpa-Bambi Fuentes ang mga lola mo). No more escorts na nahila lang a few weeks before the dreaded night dahil ang mga hitad bitbit na ang mga boyfriend o kung hindi naman ang kanilang mga fiance. Matagal pa ‘to pero nai-imagine ko na. Hindi naman ito ang unang kasalan sa barkada. Pangalawa na ‘to kung sakali. Masaya to for sure. Riot. Maingay. Emotional. Magkakalagasan na naman ulit.
So anong lesson? Anong point? Wala lang…nasanay naman kayo na sa bawat blog entry ko may takeaway. For a change, gusto ko lang magkwento. Wala lang. Share ko lang. :) My Four Weddings and an Annulment :)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home