Sabado. Umaga. Nagising ako kasi nakakasilaw ang sinag ng araw na lumalabas sa blinds ng bintana ko. Pero hindi yung paggising ko yung nakakatuwang ikwento rito kundi yung panaginip ko bago ako magising.
Sabi ng panaginip ko, boyfriend ko raw si Cesar Montano.
Whoooat? San nanggaling yun?
Hindi ko rin alam. Basta alam ko, paggising ko, naalala kong boyfriend ko siya. Ang mas nakakatuwa ron, kasama ang Friendster sa
thought process ko habang nananaginip ako. Asteeeeeeeg!
Well, a
ctually, more of hilarious! Nakakatawa siya talaga!
Napaisip tuloy ako. Ba't kaya sa lahat ba naman ng artista si Cesar Montano pa?
Hellloooo??? E anlaki kaya ng boobs ni Sunshine! Mas malaki pa ata sa mukha ko. Pano ko naman mapapantayan yun?
Hmmm...maybe this is some twisted way of my psyche saying 'It's not in the boobs. May laban ka naman e. Kahit wala kang boobs!' Ohhh yes!!!Bakit hindi na lang si Dennis Trillo o si Wendell Ramos? Kung
international flavor naman, bakit hindi si
Ryan Phillippe, Nicholas Cage o kahit man lang si
Zach Braff ng
Scrubs? Sana man lang yung mga lalakeng pinagnanasaan ko naman 'di ba? Hindi si Cesar na kahit kailan, ni sa panaginip (
well, ngayon napanaginipan ko na), hindi ko hinagap na pasok siya sa listahan ng aking
"The Men Of My Past and Future Lifetimes". Charing! Basta. Malabo kung bakit si Cesar. Pero dahil
open to interpretation ang panaginip, naisip ko tuloy na baka Cesar siguro ang name ng
next boyfriend ko. Siguro hunk siya. Siguro moreno rin siya at artistahin.
Hmmm, pero type ko sa lalake mapuputi. Pano kaya yun?At may mas bababaw pa ba sa pagkaka-
interpret ko sa Cesar Montano ng panaginip ko?
Pano naman kaya nasali ang Friendster sa panaginip? Ganto lang naman yun. Nung 'kami' na ni Cesar, naisip ko na
'Hmmm...kelangan ko na i-update ang profile ko to In A Relationship dahil sinagot ko na si Cesar.' Nakakaloka hindi ba? Kahit sa panaginip, naisip ko na palitan ang
Friendster profile ko. OA! Pati ba naman
subconscious ko nagfi-
Friendster na rin? Grabe! Bisyow na tow!
At dahil panaginip nga ito at
again, open to interpretation, sinubukan kong gumawa ng
analysis around it. Naisip ko na baka naman atat lang akong palitan ang profile ko. Hmmm...sige, palitan ko kaya ang status kong
Single to It's Complicated. Aba!
Complicated naman talaga ang ma-
involve sa artista. Ikaw ba naman, maging
boyfriend mo si Cesar na may asawa na tulad ni Sunshine na mas malaki pa sa mukha mo ang boobs, hindi ba naman super mega sakit sa ulo yun?
Ay, ba't bumalik na naman sa boobs ni Sunshine 'to? Balik nga tayo sa panaginip...
Dahil artista at hindi lang artistahin ang boyfriend ko, nag-
feeling ako sa panaginip. Naisip ko pa na
'Wow, pang-artista level na pala ako. Asteeeeg!' Well, maraming nagsasabi (lalo na yung mga gusto akong asarin) na kamukha ko raw si Kris Aquino.
Maybe this is my psyche's way of saying "Tanggapin mo na. Deal na ito. Hindi No Deal."Uulitin ko. May mas bababaw pa ba sa pagkaka-interpret ko sa Cesar Montano ng panaginip ko? Haaaay...nakakatawa lang talaga ang mga panaginip minsan. Buti na lang panaginip lang 'to.