Ako, ang nanay ko at ang kapangyarihan ng text messaging.
'Tama ba ung tnatawag na mother's instinct?meron pang drting alam ko at nandyan lang sa tabi.wag mong hanapin at kusang darating,parang taxi yan pag naghahanap ka wala pero pag d naman sunod2.'
Maniniwala ka bang ang pinaghugutan ng text na ito ay ang mga predictions for the Year of the Sheep sa 2007 Year of the Pig?
Fact. Ang nanay ko ay naniniwala sa mga hula pero relihiyosa rin. Malabo? Being her daughter for 27 years now, I learned one essential thing. My mom is a mixture of things. She's usually hard to deal with but actually, it's very easy to make her happy. Well, if I add menopause to her outrageous personality, medyo nakakaloka nga talaga siya pero nalaman ko na ang sikreto!
Attention!
Kahit sinong nagme-menopause na nanay, atensyon lang ang katapat. Maraming-maraming atensyon. Sandamakmak. Gabundok. Nag-uumapaw. Kundi pa ba naman yan malinaw, ewan ko na lang. Kaya naman kahit malayo ako, mega text kami araw-araw. Sinusubukan ko na alam nya ang mga importanteng nangyayari sa akin. Siyempre hindi lahat sinasabi ko kasi reyna sya ng kapraningan. Grabe siya mag-alala. Sasabihin ko lang na kumakain ako ng bacon, heart attack na ang laman ng text message. At sinabi ko bang OA rin sa fast forward ang utak niya?
At dahil ayoko naman siya mamamatay sa kakaisip, hindi nya alam kapag nagkasakit ako rito. Nalalaman na lang niya kapag magaling na ako. Hindi ko sinasabi na hindi makatarungan ang lamig kahit na pinipilit niyang baka raw namamatay na ako sa lamig dahil nanonood sya ng CNN Weather araw-araw. Hindi niya alam na naloloka na ako kung pano ko maaabot ang uber sa taas na expectations ng boss kong super detail-oriented. Hindi nya alam na kulang na lang mag-cartwheel ako sa harap ng boss ko araw-araw in heels and in fashionable office attire para lang mapasaya siya. Hindi niya alam na madalas pagod na ako magluto at maghanda ng baon araw-araw. Hindi niya alam na bumili ako ng mahal na bag para lang matuwa naman ako sa sarili ko.
So yes! Masama akong anak kung yan ang batayan dahil marami siyang hindi alam. Pero yung mga juicy chismis, sinasabi ko sa kanya. Tulad ng - Sino na naman ang naloko kong nanlibre sa akin ng lunch, dinner o movie? Anong ginawa ko nung weekend? Anong kakaibang recipe na naman ang natutunan kong lutuin? Nag-choir ba ako this week? Small things. Simple things. Almost always superficial and trivial. Pero yun nga ang importante sa buhay 'di ba? Yan yung mga nakakatuwang malaman. Kaya kahit matanda na kami, naggi-girl talk pa rin kami ng nanay ko. Well, more of girl text kasi magkalayo kami.
So why the text message? Sinabi niya kasi na magaganda raw ang forecast para sa Year of the Pig. At ang sabi ko lang sa kanya ay 'Ano naman ang sabi sa lovelife Ma?' Dahil sa totoo lang, wala naman akong pake kung sabihin nila na yayaman ako, magiging successful sa career at magiginig maswerte sa taong ito. E alam ko na kaya yan! Hello? Kaya ko lahat gawin yan!
Echos!
Kung masasagot lang ng Year of the Pig ang mga tanong kong sobrang self-centered at mas importante pa sa world hunger and crusade for world peace, e 'di sana sobrang saya ko na 'di ba? Hmmm, ito lang naman ang mga tanong ko -- Ba't ang panget ng lovelife ko? Ba't laging basted material ang dumarating? Ba't walang pang-long term? Ba't parang walang dumarating na hindi sumusuko agad? Ba't yung akala ko yun na, hindi na naman? Pfffft. Sino bang niloko ko? Alam ko wala namang sagot ang Year of the Pig sa mga problema ko sa buhay dahil ako pa rin naman ang gagawa ng swerte ko. Pero parang gusto ko lang marinig na baka may sagot ang mga singkit na manghuhula. Nagbabakasali lang naman...
Haaay...asa pa akong may isasagot nga ang mga singkit. As usual, ang nanay ko ang sumagot with her 'taxi text message'. I therefore conclude, the Year of the Pig turned my mom into a psychic love consultant all of a sudden. At dun pa lang, panalo na ako! Mukhang masaya ang taong ito. Wuhoooo!!!
At hindi ko napigilang tumawa ng malakas... *snort*snort*
Welcome Year of the Fire Pig! Welcome sa buhay kong makulit! :)