Thursday, February 22, 2007

Two Words

Ladies Night...Yun lang. :) Bangenge pa ako pero nandito ako sa office ngayon, on time kahit past 2am na ako nakauwi at 5 oras lang ang tulog. Marami akong natutunan kagabi in between shots and tall glasses of liquor. At dahil bangag pa ako ngayon dito sa oficina, ito lang ang mga naalala ko.

- Walang kupas. Buttons by Pussycat Dolls pa rin ang song ko sa dance floor.
- Ayoko na marinig ang Irreplaceable ni Beyonce.
- Concerned pala sa akin si Eric Onak at feeling ko magiging friends pa rin kami kahit hindi niya na ako boss.
- Kapag parehong lasing ang driver at navigator, pwede palang mawala papuntang BBY ng 1 oras kahit na dapat 10 mins. lang ang travel time.
- Hindi gwapo ang Vietnamese boyfriend ng teammate kong hot chick pero dahil kakaiba ang hitsura niya rito sa US, patok siya. Pfffft.
- Kaya ko palang mag-drive ng lasing. Gifted!
- Kaya ko palang matulog ng 230am at magising ng 630am at pumasok sa oficina ng 830am na parang walang nangyari.
- Kayang palabasin ng alcohol ang totoong kulay ng isang closet guy.
- Ang madaldal, mas madaldal kapag lasing.
- Kaya ko pala mag-discuss ng resource allocation issues at workplan kapag lasing. At wag ka! Nagme-make sense ito!

Teka, iinom muna ako ng V8 at maraming maraming tubig. Whole day meeting pa naman ako ngayon. Binawi ko na lang sa outfit ang pagka-bangenge.

Weirdly, I am loving this light-headed feeling. Next week ulit! Pero mas matindi dahil sa Vegas naman! Wuhooooo!!! :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
Taxi Text Message
Let God
Choices
Buti Na Lang
Pressure
Karma
I Skipped December
New Year, New Song
Gusto Ko Nang Umuwi.
Just Like Heaven
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter