Thursday, December 29, 2005

Haller 2006

Magkakamali na naman ako sa pagsulat ng date. Magpapalit na naman ako ng kalendaryo sa cube. Manonood na naman ako ng mga forecast sa TV. Magche-check na naman ako ng website on Chinese Horoscope. Aalamin ko na naman ang aking lucky color, lucky number, lucky gem and lucky months sa taong ito. (Wag na kasi magmalinis. Wag nyo sabihing di nyo rin ginagawa ang ka-jologan na to? Aminin!!!).

Bagong taon na!!! And I'm Bangela!

Ito ang isa sa mga pinakamahirap at masalimuot na taon hindi lang para sa akin kundi para rin sa mga taong nakapaligid sa akin. Ewan ko ba kung anong meron sa Taon ng Tandang. I saw breakups left and right, wrong relationships budding out of nowhere, bad things happening to good people (makakarma rin sila!), bad things happening to bad people (a.k.a. KARMA), instant weddings (a.k.a. civil), instant babies (just add hot water), family issues and quarter-life crisis. Mix them all together and poof! That’s 2005 in a gist.

Kurak! This year is one of the hardest, most trying years …and weirdly, I freakin’ loved it! It was one heck of a rollercoaster ride. Behind all the drama and all the sad memories, there’s the good stuff to look back to. Old friends, new found friends, past loves, new hair, better and yet cheaper fashion, more pirated dvds, and of course family. :) It’s good to know that even if some things changed, there are some which stayed the same and some even got better. I still believe you don’t have to look hard to know that there are a thousand things to be thankful for. And I truly am thankful for 2005.

Unampakengshet. Nase-senti ako. Teka, punta lang akong CR.

….And I’m back :)

Bago sumapit ang 2006, magbibigay pugay na ako sa paalis na taon. Nararapat lang na ikahon ang lahat ng nangyari sa loob ng 2005. At ang kahon? Kulay hot pink, may kulot-kulot na silver ribbon at may malaking smiley sa labas.


It sure is good to be alive and it’s great to have another year and another chance! Haller 2006!

Wednesday, December 28, 2005

Mga Pampalipas Oras

(while waiting for an appointment, while in the mrt, while waiting in line, while waiting for a friend na uber sa late or just simply waiting)

1. Mag-text
2. Para sa mga nagtitipid ng load : Mag-miss call
3. Para sa mga walang load: Mag-pretend na nagte-text
4. Patusin ang games sa celfone
5. Kumuha ng magazine o dyaryo o kahit anong babasahing accessible sayo kahit d ka naman interesado
6. Tumunganga ‘til kingdom come
7. Para sa mga nagda-damoves pa lang: Pagpantasyahan ang crush
8. Para sa mga inlove: Pagpantasyahan ang bf/gf
9. Para sa mga Bitter Ocampos: Isipin ang lahat ng panget sa ex to the point na isumpa sya sa earth
10. Gawing aquarium ang paligid. Mang-chorva ng tao. Punahin ang sapatos, damit, hair ng mga tao sa paligid at tumawa inside
11. Matulog
12. Mag-pretend na natutulog pero conscious sa itsura habang nakapikit (baka nga naman may cute in sight)
13. Tumingin sa paligid. Mag-pretend na interesting ang mga nakikita (kahit na wala naman talagang kwenta)
14. Paglaruan ang hair. Haplusin, ayusin, i-curl manually.
15. Paglaruan ang kamay na tila napaka-interesting ng itsura nito
16.Tumingin sa lapag…forever
17. Para sa mga organized : Isipin ang susunod na gagawin
18. Magdasal (Naman Lord, what’s taking him so long!!!)

Tuesday, December 27, 2005

Haller Blogspot

I have joined the dark side…May blog na ako!!! Wuhooooooo!!!

Pagkatapos ng dekadang (uber!) panghihimok ng aking mga kakosa at ka-barangay, nakuha na rin nila ang matamis kong OO. ‘Oo, magba-blog na ako!’ At first, I really had hesitations. NO LIKE talaga. Ang sabi ko sa mga nagbe-brainwash sa akin na mag-blog ay 'personal akong tao, tahimik, walang kime at pinapahalagahan ko ang aking private space'. Ngunit, datapwat, subalit, but, napagtanto ko palang…sinungaling din ako! So here ye citizens of the worldwideweb, I give you a gateway to my insane world as captured by my perky neurons. (Yeah right Vitamin Cee, as if the citizens of the www care, carebear!)

Anyway, hiway, skyway…ang entries ko sa baba ay mga sinulat ko nung unang panahon pa. Mga fillers lang yan habang wala pa akong maisip. Seryoso ang mga yan. Galing sa puso hatid ng Kilometrico. Tatanggalin ko rin yan in due time (so wag kang magtaka kung wala na akong entries sa baba pag nabasa mo to. It means, the due time hath come! Hehehe!).

Sabi nga ng mga morbid na bloggers na kilala ko, kapag namatay ka, legacy mo ang blog mo. Hindi ko pa naman balak mamatay soon…coz if there’s anything I learned in 2005, that is the truth that life is fabulous! And yes, I am too fabulous to die.

Kaya ito…blog to death. Haller blogspot! :)

Mood : Masaya. Maligalig ng slight. Nagpupunyagi. Tila may bagong laruan.

PLASTIK AIRLINE CUP

“Something to drink?” Pupungas-pungas na tumingin ako sa flight attendant at sumagot ako ng isang walang kalatoy-latoy na “Just water”. Isa na namang plastik cup ng tubig na may Northwest na naka-emboss ang uubusin ko – nang unti-unti, hanggang sa abot ng aking makakaya para may magawa sa loob ng hinayupak na eroplano na ‘to.

Ang hirap maubos ang oras lalo pa’t ayaw mo ng ginagawa mo. At ayoko talaga ng ginagawa ko sa mga sandaling ito…ang literal na paglipad palayo sa iyo. Wala akong magawa. Kailangang lisanin ang LA dahil may trabaho ako sa Atlanta. Kahit sa panaginip, hindi ko hinagap na gagawin ko ‘to. Ayoko talaga ng long-distance relationship pero nandito na. Sabi mo nga, matitigas ulo natin kaya kahit alam nating mahirap, sumige pa rin tayo. Lintek na pag-ibig yan. Mahirap na at sa kaso ko, nakakapagod na, magastos pa.

Bakit kasi hindi mo pa ako pinatos nung college? Noong pareho pa tayo ng country code? Noong pareho pa tayong nasa Pinas? Kahit ba may boyfriend ako non, kung nanligaw ka lang, hindi ako magdadalawang-isip at iiwan ko yun. At bakit kasi ang chick boy mo noon? Pakiramdam ko tuloy, isa lang ako sa mga babae sa listahan ng pinagpapa-cute-an mo. Ang labo talaga. Nung nag-break kayo ng nth girlfriend mo, pa-graduate na tayo at umalis ka na papuntang Amerika. Nag-break kami ng boyfriend ko at nataon nagbakasyon ka sa Pinas. Pagkatapos ng isang taong pamumuhay sa email, nagkita at nagkausap din tayo. Ang galing. Parang walang nagbago sa atin. Napag-usapan natin lahat. At hindi mo pinalampas ang pagkakataon. Tinanong mo ako non kung ok sa akin ang long distance relationship. Sabi ko, hindi dahil hindi talaga siya ok para sa akin. Sabi mo, kaya mo pero mamamatay ka sa sobrang pagka-miss. Alam ko na ibig mong sabihin. Namamatay na ako ngayon sa eroplanong ‘to.

Anim na buwan pagkatapos nating magkita sa Pinas, dininig ng Diyos dasal ko pero may konting joke na kasama. Pinadala nga Niya ako sa Amerika pero sa kabilang dako ng Amerika ako napadpad. Oo nga naman. Para nga naman may ‘challenge’. Three-hour time difference and six to eight hours flying time. Ayos. Sabi ko, “Ok na ‘to kesa sa wala”. Yun din pala nasa naisip mo kaya halos araw-araw mo akong tinawagan nung nalaman mong nandito na ako. Nagulat nga ako nung pinadalhan mo pa ako ng telepono para ma-text kita. Ayun, nagkita rin tayo pagkatapos ng dalawang buwan. Thanksgiving weekend. At ‘Thank you God!’ talaga dahil inamin mong mahal mo ako all these years. At inamin mo ring tanga ka na ngayon mo lang sinabi.

Right place, right time? Hindi yata. Dahil limang buwan mula ngayon, sakay na ako ng mas malaking eroplano pauwi ng Pinas. Matatapos na rin ang trabaho ko rito sa Atlanta. Magmi-mistulan akong batang inagawan ng kendi dahil gustuhin mo man, alam mo at alam kong hindi kita maisasama. Malinaw. Nasa Pinas ang buhay ko at dito sa Tate ang buhay mo. Simula pa lang, alam naman nating mangyayari yun. Nararamdaman ko gusto mo akong magtrabaho rito pero alam ko ring ayaw mong hilingin sa akin yun dahil sa mahirap na magsimula uli rito sa Tate. Ewan ko. Hindi mo siguro alam, na kahit saan man, mahihirapan din ako. Mas mabuti na yatang mahirapan ako rito kesa mahirapan sa Pinas na wala ka.

Ngayon, praktis lang muna ako ng paglipad paalis ng LA. Baka sakaling pwedeng masanay na ako kahit kaunti para sa paglipad ko patungong Pinas.

Pinindot ko ang flight attendant button. ‘Hi Rachel, can I have another cup of water?’ Sorry. Hindi ko kinaya. Kulang talaga ang isang cup lang ng tubig.

RESIBO

Hindi ko ugaling magtago ng basura. Para sa akin, basura ang resibo. Kundi lang ba kailangang itago ang mga ito hanggang sa dumating ang bill ng credit card, hindi ako mag-iipon ng basurang resibo. Pero sabi nga nila, may exception to the rule. Ewan ko nga ba. Cash naman ang binayad ko rito. Pero nung araw na iyon, tinago ko ang resibo na hindi ko pa rin maitapon hanggang ngayon.

Nakakatuwa ang resibo no? Sinong mag-aakalang ang daming laman ng isang kapirasong papel? Name of establishment, operated by whoever, place of wherever, TIN, VAT, S/N, transaction number, mga binili at kung magkano ang mga binili. Yung iba, may tagline pa sa dulo. Katulad ng resibo ko ng Starbucks. ‘Enjoy your coffee.’ Kung sabagay, na-enjoy ko nga naman. Bumili ako ng kape kasi kailangan kong magising ‘non. Pero alam ko, with or without coffee, gising na gising ako nung nalaman ko na ito na talaga ang hinihintay ko. Iba talaga ang tama ng kape na ito!

Mabilis pero hindi nakakatakot. Masaya na nakakalunod. Kalmado ngunit tila hindi mapakali. Lahat ng inakala kong joke sa pelikula, nasa sa amin. Hindi mabilang-bilang ang pagkakataon na nagkasabay ang aming nasambit at naisip. Nakakatuwang nakakagulat! Mula sa topak hanggang sa pananalig sa Diyos. Mula sa malalim na kababawan, hanggang sa mababaw na kalaliman. Walang maskara at pagkukunwari. Sa unang pagkakataon, hindi ko kinailangang mangapa ng ugali, matakot na hindi maiintindihan o magpakitang-gilas para makakuha ng ganda points. Napakadali ng lahat. Ganon pala ‘yon. Kapag para talaga sa iyo, walang kahirap-hirap, at mapapasaiyo.

Pero siyempe, mahal ako ni Lord. At sabi nga nila, kapag mahal ka, bibigyan ka ng atensyon. Alam mo naman Siya kapag namansin, kakaiba! Papaulanan ka ng pagsubok. At hindi nga kami nakaligtas. Quarter-life crisis, bagong trabaho, pabagu-bagong schedule… Nalagpasan naman namin ngunit hindi pa pala Siya tapos. Binigyan Niya kami ng delubyo.

Aaminin ko. Hindi ako handa pero hindi ko rin masabing hindi ko ito nakitang parating.

Ba’t ba hindi ako bumitaw agad? Siguro dahil kilala ko ang tunay niyang pagkatao. Makakalimutin iyan. Ang mga gamit niya madalas kasinggulo rin ng utak niya. Isip bata ‘yan kapag kasama lang ako. Antukin. Malabo minsan manamit at kuba pa. Minsan madudurog ka na lang sa mga pagkakataon na mararamdaman mo na huli ka sa lahat ng importante sa buhay niya. Pero babawi siya at maaalala mong Kristiyano ka at mapagpatawad. Maraming beses na rin akong napahamak dahil sa nakakainis ang sobrang pagka-honest niya. Sabi nga nila, nung nagsabog ng pasencia sa mundo, kinain ko raw lahat ng biskwit. Pero ewan ko. Alam ko hindi siya plastik. Nakikita niya ang kabutihan ng kahit sinong hopeless case sa kasamaan. Madali siyang mapasaya sa maliliit na bagay. Simple lang ang buhay na gusto niya. Sa sandaling panahon na nakilala ko siya, natanggap ko kung sino siya. Natanggap ko ang lahat-lahat, maliban lang sa isa…

Mahina siya.

Sabi niya ako ang nagsisilbing ilaw kapag magulo ang utak niya. Ang hindi niya alam, sa kanya lang din ako nakasandal. Hangga’t kasama ko siya, kaya kong maging malakas para sa amin. Ngunit anong laban ko sa 26 taon na samahan? Anong laban ko sa maimpluwensyang magulang? Sa mga bagay na siya lang ang maaring lumaban, ang magagawa ko lang ay manalig na kakayanin niya.

Kaya’t binuhos ko lahat ng pagtitiwala sa pag-aakalang magpapalakas ito sa kanya. Kahit na luray-luray rin ang loob ko sa lahat ng nangyari, nagtiwala pa rin ako. Naniwala ako na ang relasyon namin ay hindi lubusang nakasalalay sa mga opinyon ng mga taong nakapaligid sa kanya at sa bukas na walang may alam kung ano ang dala. Naniwala akong kilala niya ako dahil siya ang taong nakasama ko halos araw-araw, nakausap ko kapag masaya ako, umiiyak ako, inaatake ako ng pagkasutil, mabuti ako o tahimik ako. Naniwala akong higit kanino man, siya ang tunay na nakakakilala sa akin dahil alam niya ang kahinaan at kalakasan ko. Naniwala akong kami lang ang nakakaalam ng kung anong meron kami…at hindi ang mga kaibigan niya, hindi ang pari at lalong hindi ang magulang niya.

Nung nagsisimula pa lang ang delubyo, sinabi ko sa kanya na kung sakaling maligaw kami sa gitna ng lahat, kailangan lang namin alugin ang isa’t isa at ipaalala kung bakit ba kami nandito. Love is not the reason. It is the ONLY reason. Yan dapat ang kalakip na mensahe ng resibo na balak kong ibigay sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito. Nanghina man kami sa laban, may magpapaalala sa amin kung paano nagsimula ng lahat.

Sa lahat ng imposible, ito ang pinakamahirap – ang magpaalala sa taong kusang lumimot. Tapos na ang delubyo ngunit nasa akin pa rin ang resibo.

Nakalimot siya kung bakit kami nandito. Nakalimot siya kung anong meron kami. Nakalimot siya na minsang nagpasalamat siya sa Diyos dahil natagpuan na rin niya ako. Nakalimot siya na pagkatapos ng lahat, kaming dalawa lang ang tunay na mahalaga sa aming relasyon. Ganon talaga. Minsan kailangan mo nang bumitaw kapag alam mong wala ka nang pinanghahawakan. Tila sumabak ako sa laban na hindi tiyak kung meron akong sandata. Katangahan na kung magpumilit pa.

Nakakatuwa ang resibo no? Sinong mag-aakalang ang daming laman ng isang kapirasong papel?

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter