Wednesday, August 29, 2007

So Just Meet the Parents

Sinisipag ata akong magsulat ngayon. That or I just don't want to work. I say both! Yay! :)

So I'm meeting his parents this weekend. We're flying to California. I've been dreading it for 3 months now. I've never been great at dealing with parents - I'm saying this from my experience with my exes. I've had 3 and all of them started out great and then it just turned blackhole bad and went the opposite direction at the end of the relationship. But I survived and after a while I knew it was inevitable because at the back of my head that even if I was in denial, they weren't forever for me.

Well, the vey scary thing now is, I'm not anticipating this one I'm in will end. Well, at least not in a million years.

So either I deal with this now, or I deal with this now.

So great. I actually have no choice!

If loving the person meant accepting and loving everyone that made him to what he is now, then here I am just doing that. I've been assured and re-assured a lot of times that they're nice people and they don't meddle with the affairs of their children. That's good. It made me breathe normal for 2 minutes.

So I'm packing my bags. I'll be getting on that plane and meeting the parents. I do hope they like me not because I love their son more than I thought it's possible for me to love someone, but because they actually have no reason not to like someone who struggles to be normal most of the time! :) Well, I try. I try harder actually. And I won't lie to them if they ask me how it's possible I got hooked this badly.

I'm scared. And it's the good-bad-scary mix. The only comforting thing here is this time, someone's holding my hand.

And it's really tight.

Tuesday, August 28, 2007

Concert Quarter

Michael Buble, Josh Groban, Goo goo Dolls, Lifehouse,Colbie Caillat and Dave Matthews.

In furnez, may silbi naman pala ang pagkaka-exile ko rito sa Estados Hamericah! Super mega grover to the max ang enjoyment sa mga concerts na 'to. Kahit na ba pag kinompute ang lahat ng nagasta ko ay makakabili na sana ako ng nice ensemble kikay Nordstrom/Macy's outfit na hindi sale, worth it pa rin. Luvs it!

Swerte lang talaga na kahit halos last minute na kami naghahagilap ng tickets ay nakakakuha pa rin kami ng to-die-for seats. Hindi ko ata ipagpapalit ang moments na halos kita ko na ang pores ni Michael Buble (na wala naman halos dahil sa lamig ng Canada, nag-close na lahat!), medyo natalamsikan ako ng pawis ni Josh (hold me, I'm fainting!!!), nakita ko up close kung gano ka-adik ang Goo goo dolls, ma-prove that being handsome is not a bonus when you have rock star voice like that of the lead singer of Lifehouse at mapamahal sa little black dress ni Colbie na bordering nakakainis na nakakainggit kasi sexy sya.

And Dave Matthews? I just had to give a whole paragraph to describe the experience. Sweat, near-tears and hours of cursing the traffic and all the hardship I had to go through just to hear and see Dave Matthews Band play their super extended na, in-extend pa version of their hits. You've never seen middle of nowhere if you've never been to East Troy, Wisconsin. Literal na sa gitna ng corn fields ginawa ang concert. Grabe. Kelangan pa mag-hike to get to the venue. Looking at left and right, feeling ko lang nagpapaligsahan ang mga barns kung saan ang may pinaka-quaint location na pwedeng mag-shooting ang Smallville!!! Namench! Barns everywhere and windmills on my mind ang drama with acres of corn fields to date ang paligid! Pinakapasakit na concert to date with an estimate of 10k people drunk, boozed and high in music euphoria in attendance. We drove for almost 12 hrs - weewee break, gas, kain at check-in lang sa hotel ang pahinga. Of course, after getting my fix of 2nd hand jutes from a 50 yr old mother at somewhat madaganan ng isang lasing na blondie na kita na ang left cup bra nya sa kalasingan nya, bagsak talaga ako pag-uwi sa hotel. To sum it up in one word - UBER!

For the love of music talaga itoh! At oo naman! It was worth it!

Next...Maroon5 in October! :)

Tuesday, August 14, 2007

Busy-busyhan...

I have this strong nagging feeling. Parang naghuhumiyaw na ang blog spot kong 'to..."Hoy! Magsulat ka naman! Lekat ka! Nagka-boypren ka lang, tinamad ka na mag-blog..."

Ok-ok. Ito naaaaa...magsusulat na!

Hindi naman porke nagka-boypren na ako, nawalan na ako ng yearning sa pagsusulat (That's it. Yearning talaga?!). And it's not because I am finally happy kaya tumigil na ako sa pagba-blog dahil hindi naman totoong tuwing krayola depressing moments, kapag walang magawa at gusto ko lang magpapansin, ay masasabi kong worthy of my precious time ang blogging (although on certain occasions, hindi na ako magmamalinis. I plead guilty). Ang totoo po nyan, kaya ako natahimik ay dahil uber lang talaga ako sa pagka-busy. AS IN. Lunod ever! Hanggang leeg ang waters! Di pa naman ako magaling mag-swim!!!

Ok. Case in point -- Simulan natin sa trabaho. Work has been demanding. Araw-araw sa oficina, may meeting. Every week may deliverables sa harap ng mga bossings. Tuwing Viernez o Savadow ng gabi, kelangan na lang laging mag-gayak para sa another yet ribbong cutting ceremony (exag!!!). At parang wala atang araw sa nakalipas na dalawang buwan na hindi naka-alarm ang relo ko sa umaga. Uber! Family issues, dumagdag pa na parang kabute kung sumulpot. At tila napaaga ang panahon ng taglagas dito dahil bawat linggo, may umaalis pauwing Manila. Kaya hayun. Kelangang sulitin ang mga araw dahil matagal pa, o kung magre-resign man, hindi na magkikita ulit. Nakakalungkot na masaya. Laging lafhang ang drama. Laging may gimik. Laging may bagong rent na dvd. Maingay. At ang 'pwede bang bumili ng bagong legs at paa dahil uber na ang malling na 'to?'-kind of syndrome ay damang-dama ko talaga. Laging busog. Laging may Videoke. Wii. Xbox360. Haaaay... Naubos na nga ang vitamins ko at iron dahil sa mega puyat na sunud-sunod. Pero ganon talaga. Nakakapagod pero kelangang sulitin. No day but today. Kaya hayun, nasulit din ang moisturizer creme ko for eyebags. Kaloka!

Haaaaaay...Nitong huling Sabado at Linggo lang ako nakatulog ng walong oras na dire-diretso with power naps on the side. I tell you. Super luvs it! At uulitin ko ito!!! Ang sarap kaya magkulong sa bahay at ubusin ang oras ng wala lang! Kaya pagkatapos ng magulong 2 buwan, balik taong-bahay lang ako. Balik sa nood TV. Balik sa nood dvd. Balik sa pagtunganga sa dingding, sa kisame, sa bintana at sa kung saan man.

Yun lang, may kasama na akong manonood ng TV at dvd, at tutunga sa dingding, sa kisame, sa bintana at kung saan man.

So siguro pwede na rin. Wag na rin ako mag-inarte at magreklamo...noh :)

Pramis. Balik blogging na ako!:)

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter