Busy-busyhan...
I have this strong nagging feeling. Parang naghuhumiyaw na ang blog spot kong 'to..."Hoy! Magsulat ka naman! Lekat ka! Nagka-boypren ka lang, tinamad ka na mag-blog..."
Ok-ok. Ito naaaaa...magsusulat na!
Hindi naman porke nagka-boypren na ako, nawalan na ako ng yearning sa pagsusulat (That's it. Yearning talaga?!). And it's not because I am finally happy kaya tumigil na ako sa pagba-blog dahil hindi naman totoong tuwing krayola depressing moments, kapag walang magawa at gusto ko lang magpapansin, ay masasabi kong worthy of my precious time ang blogging (although on certain occasions, hindi na ako magmamalinis. I plead guilty). Ang totoo po nyan, kaya ako natahimik ay dahil uber lang talaga ako sa pagka-busy. AS IN. Lunod ever! Hanggang leeg ang waters! Di pa naman ako magaling mag-swim!!!
Ok. Case in point -- Simulan natin sa trabaho. Work has been demanding. Araw-araw sa oficina, may meeting. Every week may deliverables sa harap ng mga bossings. Tuwing Viernez o Savadow ng gabi, kelangan na lang laging mag-gayak para sa another yet ribbong cutting ceremony (exag!!!). At parang wala atang araw sa nakalipas na dalawang buwan na hindi naka-alarm ang relo ko sa umaga. Uber! Family issues, dumagdag pa na parang kabute kung sumulpot. At tila napaaga ang panahon ng taglagas dito dahil bawat linggo, may umaalis pauwing Manila. Kaya hayun. Kelangang sulitin ang mga araw dahil matagal pa, o kung magre-resign man, hindi na magkikita ulit. Nakakalungkot na masaya. Laging lafhang ang drama. Laging may gimik. Laging may bagong rent na dvd. Maingay. At ang 'pwede bang bumili ng bagong legs at paa dahil uber na ang malling na 'to?'-kind of syndrome ay damang-dama ko talaga. Laging busog. Laging may Videoke. Wii. Xbox360. Haaaay... Naubos na nga ang vitamins ko at iron dahil sa mega puyat na sunud-sunod. Pero ganon talaga. Nakakapagod pero kelangang sulitin. No day but today. Kaya hayun, nasulit din ang moisturizer creme ko for eyebags. Kaloka!
Haaaaaay...Nitong huling Sabado at Linggo lang ako nakatulog ng walong oras na dire-diretso with power naps on the side. I tell you. Super luvs it! At uulitin ko ito!!! Ang sarap kaya magkulong sa bahay at ubusin ang oras ng wala lang! Kaya pagkatapos ng magulong 2 buwan, balik taong-bahay lang ako. Balik sa nood TV. Balik sa nood dvd. Balik sa pagtunganga sa dingding, sa kisame, sa bintana at sa kung saan man.
Yun lang, may kasama na akong manonood ng TV at dvd, at tutunga sa dingding, sa kisame, sa bintana at kung saan man.
So siguro pwede na rin. Wag na rin ako mag-inarte at magreklamo...noh :)
Pramis. Balik blogging na ako!:)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home