Pressure
Gusto ko lang naman na hindi na umiyak ulit at hindi na magkamali. Posible naman 'to di ba?
Ok. Hindi ako perfect. Lalong hindi naman din ako nag-iilusyon na sobrang maganda ako (although I think may ganda naman akong taglay at marami namang nahihibang daw sa akin, pero ayoko lang naman maging feeling din di ba?).
Teka, na-distract ako sa ganda. Balik tayo sa topic...
Kahit hindi ako artistahin at hindi ako perpekto, I still stand by my mantra -- I don't want to settle for anything less.
Actually, ayokong mag-settle. Period.
Baket? Hindi ba masamang gustuhin ko yung talagang nararapat para sa akin? Yung sinasabing tama ng utak ko at gusto ko rin naman? Wala na bang ganon ngayon? Bawal na ba ang mataas ang standards?
Hindi ko rin naman pwedeng sabihing choosy ako. Mukhang yun nga ang naging problema ko dati. Hindi ako naging mapili. Hindi ko pinili yung babagay talaga sa akin. Dati kasi, basta alam kong mahal ko at mahal din ako, ok na. Naniwala kasi ako sa mga cliches. Love conquers all. Love is the answer. Love is love. Langya naman! Love is blind din pala. Akala ko naman pang-slumbook lang yun.
Uy, hindi naman ako lubusang nagpakatanga. Hindi naman puro puso lang pinairal ko. May utak din naman akong ginamit. Sa totoo lang, ok naman yung mga exes ko. In fairness to them, matitino naman. May hitsura naman lahat. May pinag-aralan. Inalagaan naman ako. Sineryoso at minahal. Not to mention, iniyakan pa (Bawal mag-react! Iniyakan ko rin naman kaya quits lang). At in fairness to me, sineryoso ko ang bawat relasyon na pinasok ko. Pinaghirapan ko lahat. Yun lang, mega pahirap din nung kelangan nang tapusin. Ano pa bang magagawa ko kung sa tingin ko nagawa ko na ang lahat? E sa ganon talaga e. Hindi lang talaga umayon ang mga pagkakataon. Bawat isa, may sablay talagang nangyari. Simple lang naman. Hindi lang talaga swak. Hindi lang talaga kami.
Sabi nila masyado raw akong matagal na na naghihintay. Naghihintay saan? Sa isang perpektong nilalang? Wala naman non! Lahat ng tao may sayad. Lahat may 'catch'. Pero yun lang, kelangan lang mahanap mo yung dapat na swak sa sayad mo. Yung maatim mo na makita ang totoong pagkatao. Yung ok pa rin sayo kapag bagong gising sa umaga, walang ligo at hindi pa nagtu-toothbrush. Yung kaya mo pa ring tiisin kapag ang labo na kausap at inaaway ka na parang wala namang sense. Yung nakakatuwa pa rin kahit na nakakalat na ang mga marumi niyang damit sa kwarto. Yung sa tingin mo, gusto mo pa ring kasama kapag kulang na budget niyo at parang ang tagal pa ng susunod na sweldo. Yung nakikita mong masungit at may sumpong pero kaya mo pa ring sakyan at naiintindihan mo pa rin.
Ganyan. Ganyan ang level ng sayad na hinihintay ko.
Speaking of sayad, ang dami ko niyan! Ang kulit ko kaya. Sobrang hyper kaya ako. Ayaw ko kaya madalas magpatalo. Minsan sobrang manhid pa at dense. May times sobra pa mag-isip. Gumagawa kaya ako ng mga problema sa utak ko kapag alam kong parang perpekto na ang 'moment'. At higit sa lahat, takot ako. Madalas risk averse. Pero minsan naman sugud nang sugod. Pramis. Ang labo ko kaya!
Teka, lost na kayo. So what's the point?
Ayoko na magkamali uli. I want it right this time. I want the right person at the right time because I believe I've done my part to be worthy of that person. Hindi naman sa ambisyosa ako at gusto ko makuha ang the most sought after bachelor in the whole of the universe (Pero pramis. Hindi ko hihindian si Dennis Trillo!). All I know is, I am trying to be the best person I can be. Kasi naman! How can you expect the right one to come along when you're not even preparing to be the right one for him? You can't give what you don't have. Kaya heto. I'm trying to be the right person. Seryosong effort 'to tsong!
Teka lang. Ulitin ko. Hindi nga ako perfect. May mga baggages ako. At ito ay mga uber sa naglalakihang baggages from past relationships. Pero hindi naman ako nasisiraan ng bait para ibigay sa mamahalin ko ang mga gigantic baggages ko. Akin yun. Lahat yun. At ok na. Natuto na ako. Syempre may mga kulang pa rin sa akin (aside from boobs), pero hindi ko iisiping kailangan niyang punuan ang mga pagkukulang na yun. Malinaw naman sa akin na ako lang ang makakapagdala sa baggages ko at ako lang ang makakapagbuo sa sarili ko. Pero kaya ko na sabihin na - I think keri na. Para na akong Centrum. Complete na ako! (Ay, ang baduy!) Seriously, I think I can share my 'completeness'. I'm ready for that someone out there who's as complete and as ready as I am.
O di ba? Ang taray! Pang-beauty queen ang mga sagot ka-level ng world peace! *wave*
Simple lang naman. Ayoko na makipagbolahan. Alam ko na kung anong gusto ko. Ayoko na magpaiyak dahil ayoko na ring umiyak. Ayoko na may mag-isip na nagkamali siya sa pagpili sa akin dahil ayoko na ring magkamali. Kaya heto na. I'm taking the risk.
Kaya goodluck. Goodluck talaga sa akin...