Karma
Pffft. Nabali retainers ko. O, wag mo na itanong kung pano dahil ito na. Sasabihin ko na - naupuan ko. Ang ganda ko di ba (totoo naman talaga 'to. Maganda naman talaga ako, at least sabi ng nanay ko)?
Teka, na-distract ako sa ganda.
Ok, going back. Ang baling retainers ay plain and simple karma sa mga pinaggagawa ko nung weekend. But being the 'always see the sunny side of life' that I am, heto at masaya pa rin ako. Nagpapasalamat pa rin dahil at least sa retainers ko napunta. Hindi sa iba.
That is assuming na ito na yung karma ko. Ayan na naman kasi ako. Assuming na naman. Kaya ako napapahamak dahil sa lintik na assumptions na to e. Extremes kasi ako. Either assuming o sobrang manhid at dense. Either way, wala akong napapala kundi sakit ng ulo. Haaay...sana lang ito na talaga yun. Sa mga 'kasalanan' ko nung weekend, pasalamat na lang ako baling retainers lang ang inabot ko. Salamat Lord. Mabait Ka pa rin sa akin.
Ok. Ito na talaga. Try ko na maging mabait. Ulit. Pramis.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home