Sunday, January 28, 2007

I Skipped December

Bakit wala akong post ng December? To think ang damiiiiiiing nangyari nung December. Para syang anim na buwan worth of aktibidades (Ok, eksaharada naman. Siguro mga 2 months lang) na pinagkasya sa isang buwan. Teka, isa-isahin ko. Hindi na ata 'to in chronological order. Pasensya na lang. Ang order ay kung anong unang pumasok sa utak ko.

1. First time kong nakita na natakpan ng snow ang backyard (at frontyard) ng York Plaza apartments (FYI York Plaza ang tawag sa tinitirhan ko)

2. Konek sa #1 - Nangyari 'to mga ilang oras bago ako pumuntang airport para umuwi ng Pinas.

3. Konek sa #2 - Nasa Pinas ako from Dec. 23-Jan.10

4. Konek sa #3 - Ang saya! Super! Mega! Uber! Umaapaw!

5. Konek sa #4 - Back to family, barkads, gimiks, dates, Pinoy pagkain, videoke, officemates, malls at traffic.

6. Konek sa #4 na naman- Hair color retouch (and I love it. Fabulous to the next level!)

7. Konek sa #6 - Bayad sa driver almost araw-araw except for the times na pinag-drive ako ni Jane at ni Micmic.

8. Konek sa #5 pa rin - Shopping for Ma. A little shopping for me. A lot for friends. Result? See No.28

9. Konek sa #4 - Pumasok sa office kahit super mega sloooow ang connection. Pero ito ang kicker! Na-enjoy ko sya. Pramis. Nakaka-miss pala ang GT.

10. Konek sa #5 - Lunch with Evaughls at Antonio's Tagaytay. Hay naku! Super relaxing. As in. Babalik ako ron...balang araw.

11. Konek sa #5 - Visited Winsley's new house. Awwww...that's it! May Evaughl headquarters na sa Cavite.

12 Konek sa #4 agen - Samurai Takoyaki balls at SM Megamall

13. MMFF. Zsazsa Zaturrnah at KKK. That’s it. Pinatos ko talaga ‘to! As in jologs in the house!!! :)

14. Konek sa #5 - Lunch-outs, dine-outs, coffee hanggang dis-oras ng gabi na wala sa Edina.

15. Stalker. Online stalker. The reason why I changed my profile to restricted both in Friendster and Blogger. But I thought better of it. Kapagod mag-invite ng friends sa blogger para lang mabasa nila. Hay naku! Dedma na. Kaya eto, open to the world na ulit ang blog ko (as if the world cares, care bears!).

16. Nagbalik-loob sa gym. Ikaw ba naman tumuntong ng 110 lbs nang hindi mo namamalayan, hindi ka ba naman kabugin at magbalik-loob agad?! As in AGAD! So 3 wks of 45min-cardio before Dec. 23 at naging 105 na ako ulit. It didn’t matter to me anymore that I gained all that weight again after I left home. Pero ngayon, 105 na ulit. Minsan talaga mabait si God. Gotta love genetics! Swerte lang ako madali ako mag-lose ng weight at kahit construction worker (read: marami kung kumain ng kanin?) ako, XS at 0 pa rin ang size ko.

17. Konek sa #4 pa rin - tour of Mall of Asia courtesy of Micmic. Maganda naman pala. May laban sa Mall of A (America).

19. Tagalog Masses. Pramis. Kahit ito na-miss ko.

20. Konek sa #19. Mass at Manaoag kahit mainit, malayo at nakakapagod. Nakatulog naman ako sa oto kaya pwede na.

21. Annual Medical Exam. Enuf said.

22. Hula session with Arlene and Vane na super powerful. Well, mas powerful kung magkatotoo...(crossed fingers and toes)

23. Visited Nokie's new house. Anlayo a, pero kinarir ko kasi super friend ko si Nokie.

24. Evaughls met Margaret! :)

25. Early morning breakfast and coffee at Starbucks Tomas Morato the day before I left. Eksaharada ka Joey! Gisingin talaga ako ng 7am!

26. Late night coffee at Starbucks Tomas Morato the night before I left with Jane and Owen. Haaaay...mami-miss ko 'to!

27. Sinundo ako ni Micmic sa airport ng Dec.24 (past 12 na kasi non so Dec. 24 na. Hehehe) at hinatid din nya ako ng Jan. 10 ng 4am. Bait-bait! :)

28. Konek sa #5 - Naubos ang pera pero masaya

29. Pasko at New Year sa Pinas na walang kakupas-kupas. Hello? Kaya nga ako umuwi di ba?

30. MTM. As in Many To Mention. Yes, parang slumbook. Marami pang ibang bagay na naganap nung Disyembre na nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Echos! :p

In summary, parang Amazing Race ang buhay ko from Dec23-Jan10. Lahat scripted. Lahat kalkulado. Tipong kelangan at this time of the day, nandito na ako at this place to meet this set of people. Uber! Naka-schedule ang bawat galaw, bawat eyelash curl at bawat pagpahid ng lip gloss. Pati time na pwede ako tamarin at magkulong sa kwarto para manood ng HBO, naka-schedule. Eksaheradaaaa!!! Pero ito lang ang masasabi ko. Mas masaya 'to sa Amazing Race. Wala nga lang prize money sa dulo, pero kiber! Masaya naman ako. Nagawa ko lahat ng kelangan ko gawin. As in. Major bleeding ang checklist ko with red marks! Kung pwede ko lang ulitin ang nakakabaliw na Disyembre, uulitin ko. Pramis. Well, ok. Except for the 'ubos pera' part.

Can't wait for August. Malapit na ulit yun. I'll be back Pinas! With more stories to tell. With the same level of fabulousness (or even more). With happier stance in life and with the same 2 big luggages. Yay! :) December reminded me how I'm very much blessed. Thank you God talaga. Super luvs it! :)

1 Comments:

At 9:55 PM, Blogger Toni said...

sa wakas.. nakabasa rin ako ng entries mo.. one million years!

as usual natawa na naman ako sa kaweirduhan mo...

keep on bloggin...

 

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
New Year, New Song
Gusto Ko Nang Umuwi.
Just Like Heaven
Senti Scrubs
I've Got No Song
Sana
Late
Perfetch!
Simple Saturday
Ganon Nga
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter