Wednesday, May 31, 2006

Commencement Exercises

Surreal. This is indeed surreal. Ngayon ang last day ng project ko.

I’m marking this day - May 31, 330pm – Manila RPAS Support now commencing. Grabe! Natatawa ako sa tuwa. Unbelievable! Amazing! Astounding! Akalain mo nga namang ang project na nagsimula sa Atlanta ng August 2002, inuwi sa Manila ng December 2003 ay may katapusan din pala.

Hindi ka siguro maka-relate. Weno naman ngayon? Blog ko naman ‘to. Pwede ko isulat kahit anong gusto ko di ba? Pero dahil mabait ako, mag-e-expound ako ng slight para naman madamayan niyo ako sa tuwa ko.

Ganto kasi yon…

Project is equal to x no. of deliverables committed to a client for a certain period of time. Nakakontrata ka sa isang client para maging slave nila at ibigay ang kanilang ‘demands’ according to the business need. Sa barok na paliwanag, ikaw, sampu ng iyong grupo ay tila mga nakakulong na genie na may tungkulin na sundin ang bawat hiling nila sa bawat himas nila sa lampara mo. But then there is no such thing as free lunch. Sinuswelduhan ka naman ng kumpanya mo na kinuha ng client nyo at ang client nyo binabayaran ang kumpanya mo. Gets mo na ba?

Kung hindi pa rin, sorry na lang. Tamad na ako mag-explain.

Flashbaaaaackkk….

Ito ang kauna-unahang project ko (not counting my on-loan project in CIO…another story). Ito ang project na inaral ko sa Atlanta at matapos ang 14 buwan, inuwi ko sa Manila office namin para simulan. Sa loob ng panahong yon, maraming nangyari. Name it, I think I’ve gone through it. Lumipad ng 10 beses to and from Orange County (galing Atlanta at Pinas). Natutong mag-drive ng automatic sa freeway. Nagka-long distance relationship at pagkatapos ng 7 buwan, nakipag-break. Nagkaron ulit ng boyfriend pag-uwi ng Pinas at yes nahulaan mo, nag-break din! Naranasang mag-gym na parang wala ng bukas. Nag-shop sa outlet tuwing sale na parang wala ng bukas. Nagluto ng vegetarian dishes for 3 weeks dahil trip lang. Na-promote ako twice (yes!). Natutong mag-smoke at nag-quit din after 3 months. Natutong mamuhay mag-isa. Naaksidente sa freeway. Nawala sa freeway. Umiyak habang nakikipag-usap sa fone dahil sa homesick at dahil namatay si Chinny (RIP my everdearest guinea pig). Nag-birthday mag-isa habang kumakain ng ice cream at cake na ako mismo ang bumili. Nag-birthday sa NY. Nag-thanksgiving sa Vegas. Nag-photoshoot kasama ang kapatid ko sa Washington DC. Nakakita ng snowflake upclose and personal. Nakaipon ng pera. Naubos din ang pera. Napamahal sa Kroger, Sam’s, Marshall’s at Filipino Store at sa mga sandamakmak na discount coupons. Isinumpa ang Winter. Sinamba ang re-runs ng Ally McBeal, Friends at Will and Grace. Ginawang ritual ang American Idol. Sunduin ng buong tropa sa airport ng 11pm twice. At higit sa lahat nag-aral at nagtrabaho ng sukdulan para lang hindi isipin ng mga Kano na walang utak mga Pinoy. And when my neurons failed me, nag-pretend na alam ko ang ginagawa ko kahit hindi (image is everything…hehehe).

Kung iisa-isahin ko ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng 3 taon, hindi ko na matatapos ang blog entry na ito. Pero sa lahat ng mga nangyari, ang pinakamahalaga ay napatunayan ko na sobra-sobra ang biyayang natanggap at natatanggap ko. Siksik, luglog at umaapaw. At parang hindi pa nakuntento ang Diyos, binigyan pa Niya ako ng mga totoong tao na hanggang ngayon kaibigan ko pa rin. Dahil din sa mga pasaway na ito, napag-host ako ng 2 office events (Bb. Retek and Retek Christmas Party), napasali ako sa caroling (at yes, nanalo kami!) nung Christmas Party pa rin, napakanta ako nung Valentine’s party (na pinagsisisihan ko pa rin hanggang ngayon), na-chismis ako sa office na hindi ko alam (good chismis naman so ok lang). In short, I’ve met people who made me come out of my shell. Dati sobrang konti lang ng naniniwala sa akin kapag sinasabi ko na mahiyain talaga ako. Ngayon, wala na talagang naniniwala sa akin. :)

Looking back, all along I thought I made this project (of course feeling naman ako masyado kung sabihin kong mag-isa lang ako. syempre, kasama ang teammates ko!). But the truth is, this project made me. I definitely had the time of my life.

Tapos na nga talaga? Totoo na ‘to? Paki-kurot nga ako….

Monday, May 29, 2006

Royal Tru-Orange

Alam mo, iba ka. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko lang iba ka. Masaya. Maaliwalas. Ikaw ang nagpaalala sa akin na hindi pala ako laging abala sa trabaho, pamilya at sa sandamakmak na problema ng mga kaibigan kong hinahanapan ko ng solusyon sa ngayon. May oras pala ako para matuwa.

Tama na nga ‘to! Ayoko na magpaka-baduy at isa-isahin pa kung anong pakiramdam kapag nasa paligid ka…Basta yun na yun.

Ano ba! Hindi na ‘to highschool! Alam ko bumebwelo ka lang. Kahit sila, nagkakaron na rin ng ideya. Halata raw na naaliw ka sa kababawan ko. Kahit ang kabaklaan ko, naaatim mo. Parang trivia mo ngang kinalat sa mga kakilala mo na mas malakas akong kumain kesa sayo. Sige. Aaminin ko nang napapaisip ako. Kasabay ng pag-iisip ko, nag-iingat ako sa mga kinikilos at sinasabi ko sayo. Takot kasi ako. Takot ako para sayo.

Maraming beses na akong natanong ng mga tao sa paligid. ‘Ano, meron ba?’ Siyempre, girl scout ako. Laging handa ang ‘Huh? Si Zoolander*? Ano ba? Wala yun noh! Friends lang kami’.

O di ba? Nakakainis. Ang plastik! It’s so THE BUZZ! Sa totoo lang, kahit ako naiinis. Alam ko may dahilan ang pag-iwas ko. Sana nga nagpapakipot lang ako. Pero hindi. Desidido na ako. Hindi ko na hihintaying magtapat ka. Uunahan na kita.

Wala pa man lang, tinatapos ko na.

Maniwala ka na ilang ulit ko nang pinag-isipan ito at wala akong makitang mali sayo. Ang mali mo lang, pinili mo ang isang lokaret na tulad ko. Hindi ito ‘it’s not you, it’s me’ na drama. Sorry. Mas malala ito.

Kung may tao mang maaari kong buhusan ng atensiyon, ikaw na yon. Pinagdasal ko na ito. Kinulit ko na ang Diyos at kahit ano pang paglulupasay ang gawin ko, hindi talaga umiilaw ang radar na ikaw ang laan Niya para sa akin. May kung anumang nagsasabi na panandalian lang ito. Nakikini-kinita ko na ang mangyayari kaya’t habang maaga pa, isasalba na kita sa pagdaraanan mo. Tama na. Hindi ako magbibigay ng mixed signals at hindi kita pag-iisipin na may pag-asa ka. Mas gugustuhin kong ilaan mo na lang ang pagpraktis ng pagsabi ng ‘I love you’ sa babaeng nararapat para sayo.

Teka, pwede bang mag-ilusyon ako na hindi ka galit?

Siguro nga kahit ipaliwanag ko pa, hindi mo rin maiintindihan dahil kahit ako, nalalabuan sa desisyon ko. Hindi ko rin alam kung paano ako nakakatiyak na maging ‘tayo’ man, hindi tayo magtatagal. Basta alam ko lang sigurado ako. Ngayon lang ako naniwala sa cliché na ‘when you know, you know.’

Sad to say, this time, I know.

Sige na. Magalit ka na. Gusto ko na nga magpagupit bukas dahil kapag nalaman ng mga babaeng naloloka sayo ang kabaliwan kong ito, tiyak na masasabunutan ako. Kahangalan na tanggihan ang isang tulad mo. Mabait, may utak, matino kausap, may direksyon sa buhay, may paninindigan at higit sa lahat, cute at tanggap ako bilang ako. Ano bang kulang? Ano ba talaga ang gusto ko?

Gusto ko hanapin mo ang nararapat para sayo dahil kung meron mang dapat maging masaya, ikaw yun. Gusto ko makasama mo siya sa lalong madaling panahon. Ayokong humadlang sa kung anuman at kung sino man ang naghihintay sayo. Ayokong simulan natin ‘to kung hindi rin naman natin kayang panindigan. Ayokong sayangin ang oras mo.

Tutal nandito na rin lang, kakapalan ko na mukha ko.

May isa pa akong gusto. Kapag hindi ka na galit at sa tingin mo hindi naman kalabisan, gusto sana kitang maging kaibigan. Pramis. Hindi ito dahil masyado na akong maraming baklang kasama at gusto kong madagdagan naman ang mga ‘straight’ kong kaibigan (pero pwede mo ring isipin na ganon). Gusto kitang maging kaibigan dahil wala na akong ibang nanaisin kundi ang manatili kang bahagi ng buhay ko.

Alam mo, iba ka nga talaga. Hindi pa man lang kita nasisimulang mahalin, pero minahal na kita.


*hindi niya tunay na pangalan

Sunday, May 21, 2006

Hibernation

I went into hibernation for more than a month.

Of course I still went to work but spent most of my time reading, listening to music, rants and stories of friends whom I haven’t gotten in touch with. In my spare time, I indulged in every guilty pleasure of watching the TV to see my current crush wearing a vest which in fact for me is just a bolero (Hint. He’s is just so majika-l). I slept. A lot. I guess I was trying to be still but at the same time I’m making an effort to run away from the everyday hustle and bustle of life. I even went out of the country for a while with friends to just literally get away from routine work and activities of my day in and day out existence.

Yes. Existence. That’s what I was feeling for some time now. I’m plainly existing when I should be living.

In the past weeks, a lot of things have happened to me. Physically, I gained weight which I’ve been striving for the past year. Mentally and psychologically, I’ve grown old as I’ve been trying to raise my mother. (So the saying ‘Ang hirap magpalaki ng magulang!). I always thought that parenting is a two-way street. But I never surmised there will come a time when the child would have to stop and grow fast enough to parent the mother. My mom and I are at that difficult stage now. I’m teaching her how to cope with how the world has been running and at the same time ruining itself. I am helping her catch up, throw her old-school perception of what the world was when she was young. She’s nearing her sixties. All the insecurities, fear of being alone and growing old are creeping up. While I am in the course of drinking my bitter sweet cup of quarter-life crisis, I am trying to assure my mother that indeed she should see that the cup that life is offering her is indeed half full.

Spiritually, I’ve been growing drastically. I’ve been exploring my faith in a way that I haven’t done before. I think I’m done being spoon-fed with beliefs and gospels. It may have made me lazy in trying to look for the answers on my own. I’ve been good in advising people with what God was thinking when shit happens but I cannot understand my own shit occurrence. So I thought I should read more to know more. And for the first time I’m reading the Bible from cover to cover. I always felt that growing up in a Catholic school and in the presence of a mother who knows all the saints and brings me to Manaoag at least once a year weren’t enough. Everything I did as part of my faith was consoling and relieving but wasn’t filling me to the brim. I’ve been praying more now not because I need something or I need to rant and ask Him why ‘the hell’ and why not ‘the heaven’ things are happening. I plainly need to pray just like I need to breathe the polluted air around me to survive. There are Christian rituals and practices and readings. But I’m working on having a more relational faith rather than a faith filled with rituals. Some people are telling me that maybe I need a new religion. But I think it’s more of a renewal of faith that is needed. It’s crazy and I cannot seem to find the words to capture how I’m going through all these but slowly, it’s proving itself very much worth it.

My April and most of my May were spent in hibernation and I feel it’s time well-spent. I’m glad I did this. I’m glad I stopped and decided to slow-down a bit. If you think about it, everyday seems like a race and we're always trying to catch that big wave. Sometimes it’s just better to just watch the waves form and crash to the shore and let the others do the chasing. So for a time, I did exactly this. Now, I’m waking up from my hibernation to welcome the changes that are ahead. I constantly pray that I’ll have the energy to ride the waves that the future will bring. Something’s telling me June and July will be BIG months. My zzzzzzzzzz-ing will soon be over. Well, I’ll leave it up to Him. Only He knows. All I can say for now is…bring it on! I’m ready! :)

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter