Commencement Exercises
Surreal. This is indeed surreal. Ngayon ang last day ng project ko.
I’m marking this day - May 31, 330pm – Manila RPAS Support now commencing. Grabe! Natatawa ako sa tuwa. Unbelievable! Amazing! Astounding! Akalain mo nga namang ang project na nagsimula sa Atlanta ng August 2002, inuwi sa Manila ng December 2003 ay may katapusan din pala.
Hindi ka siguro maka-relate. Weno naman ngayon? Blog ko naman ‘to. Pwede ko isulat kahit anong gusto ko di ba? Pero dahil mabait ako, mag-e-expound ako ng slight para naman madamayan niyo ako sa tuwa ko.
Ganto kasi yon…
Project is equal to x no. of deliverables committed to a client for a certain period of time. Nakakontrata ka sa isang client para maging slave nila at ibigay ang kanilang ‘demands’ according to the business need. Sa barok na paliwanag, ikaw, sampu ng iyong grupo ay tila mga nakakulong na genie na may tungkulin na sundin ang bawat hiling nila sa bawat himas nila sa lampara mo. But then there is no such thing as free lunch. Sinuswelduhan ka naman ng kumpanya mo na kinuha ng client nyo at ang client nyo binabayaran ang kumpanya mo. Gets mo na ba?
Kung hindi pa rin, sorry na lang. Tamad na ako mag-explain.
Flashbaaaaackkk….
Ito ang kauna-unahang project ko (not counting my on-loan project in CIO…another story). Ito ang project na inaral ko sa Atlanta at matapos ang 14 buwan, inuwi ko sa Manila office namin para simulan. Sa loob ng panahong yon, maraming nangyari. Name it, I think I’ve gone through it. Lumipad ng 10 beses to and from Orange County (galing Atlanta at Pinas). Natutong mag-drive ng automatic sa freeway. Nagka-long distance relationship at pagkatapos ng 7 buwan, nakipag-break. Nagkaron ulit ng boyfriend pag-uwi ng Pinas at yes nahulaan mo, nag-break din! Naranasang mag-gym na parang wala ng bukas. Nag-shop sa outlet tuwing sale na parang wala ng bukas. Nagluto ng vegetarian dishes for 3 weeks dahil trip lang. Na-promote ako twice (yes!). Natutong mag-smoke at nag-quit din after 3 months. Natutong mamuhay mag-isa. Naaksidente sa freeway. Nawala sa freeway. Umiyak habang nakikipag-usap sa fone dahil sa homesick at dahil namatay si Chinny (RIP my everdearest guinea pig). Nag-birthday mag-isa habang kumakain ng ice cream at cake na ako mismo ang bumili. Nag-birthday sa NY. Nag-thanksgiving sa Vegas. Nag-photoshoot kasama ang kapatid ko sa Washington DC. Nakakita ng snowflake upclose and personal. Nakaipon ng pera. Naubos din ang pera. Napamahal sa Kroger, Sam’s, Marshall’s at Filipino Store at sa mga sandamakmak na discount coupons. Isinumpa ang Winter. Sinamba ang re-runs ng Ally McBeal, Friends at Will and Grace. Ginawang ritual ang American Idol. Sunduin ng buong tropa sa airport ng 11pm twice. At higit sa lahat nag-aral at nagtrabaho ng sukdulan para lang hindi isipin ng mga Kano na walang utak mga Pinoy. And when my neurons failed me, nag-pretend na alam ko ang ginagawa ko kahit hindi (image is everything…hehehe).
Kung iisa-isahin ko ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng 3 taon, hindi ko na matatapos ang blog entry na ito. Pero sa lahat ng mga nangyari, ang pinakamahalaga ay napatunayan ko na sobra-sobra ang biyayang natanggap at natatanggap ko. Siksik, luglog at umaapaw. At parang hindi pa nakuntento ang Diyos, binigyan pa Niya ako ng mga totoong tao na hanggang ngayon kaibigan ko pa rin. Dahil din sa mga pasaway na ito, napag-host ako ng 2 office events (Bb. Retek and Retek Christmas Party), napasali ako sa caroling (at yes, nanalo kami!) nung Christmas Party pa rin, napakanta ako nung Valentine’s party (na pinagsisisihan ko pa rin hanggang ngayon), na-chismis ako sa office na hindi ko alam (good chismis naman so ok lang). In short, I’ve met people who made me come out of my shell. Dati sobrang konti lang ng naniniwala sa akin kapag sinasabi ko na mahiyain talaga ako. Ngayon, wala na talagang naniniwala sa akin. :)
Looking back, all along I thought I made this project (of course feeling naman ako masyado kung sabihin kong mag-isa lang ako. syempre, kasama ang teammates ko!). But the truth is, this project made me. I definitely had the time of my life.
Tapos na nga talaga? Totoo na ‘to? Paki-kurot nga ako….
2 Comments:
wow! im so happy for you! e di bangko ka ngayon? :)
huwaw, pansit luglog at umaapaw pa. ode to the project galore. i'm going to miss you, sulat lang ng sulat. at ang mga kwento ha, lalo na sa lab layp, huwag kalimutan!
Post a Comment
<< Home