Saturday, August 16, 2008

2AM Realizations

Hola! Gising pa ako! Nawala na ata antok ko. Nalipasan ng antok kung meron mang ganon. Kakauwi ko lang from dinner with bossings and desert chika with college friends. Tapos konting check ng work emails dito at doon. Tapos konting surf sa multiply at friendster. Tapos, ayun. Di pa rin ako inaantok. Crap! Reunion pa naman ng angkan ng nanay ko bukas kaya kadiri 'to kung may eyebags ako.

Hmm...so anong pwedeng gawin para antukin? Wala naman ata. Tatanga lang ako hanggang sa antukin. Pero bago ako tumanga, gusto ko lang i-document ang mga realizations ko for the day.

REALIZATION NO.1 -- Ambait pala talaga ng mapapangasawa ko. Teka naman. Alam ko naman mabait na sya dati pero nakakatuwa lang na everyday napapaalala at nadidildil sa utak ko na mabait sya. At as in yung tunay na bait. Walang halong hidden agenda. DAH! Ano pa bang iha-hide nyang agenda, e magpapakasal na nga kami di ba? So ayun, natuwa lang ako. Ambait nya talaga. Haaaaay...swerte ko naman!

REALIZATION NO.2 -- Promoted na ako. Hindi ito realization pero gusto ko lang sabihin para lang ma-document. Di pa alam ng nanay ko. Malalaman din nya pag dumating na yung ref nyang bago na binili namin last week. Sasabihin ko na lang na yun na ang libre ko sa kanya. Crap! Ang mahal na libre!!! Sana pala nag-buffet na lang kami sa Shang-The Heat. Pero ok lang. Nanay ko naman yun. At utang na loob, kelangan na mag-retire ng ref naming ka-birth year ko pa. So ok na. Buti na lang promoted ako kaya may pambili ng ref. Wish ko na lang mataas increase.

REALIZATION NO.3 -- Gwapo naman pala ang mapapangasawa ko. Oo. Hindi talaga ako nagagwapuhan sa kanya nung una. Kahit nung pangalawa o pangatlo. And so on and so forth. Pero lately, nung na-reach na nya ang ideal weight nya, na-realize ko...'Aba! E gwaping naman pala.' Although (at ito ay isang malaking ALTHOUGH) hindi mala-'Aga Muhlach gwaping' as what he claims pero gwaping in his own way naman. So ayun, mabait na, gwaping pa. Tapos sobrang mahal pa ako! (Putek dapat lang naman di ba?) Haaaay...swerte ko naman!

REALIZATION NO.4 -- One of the best things sa buhay ko talaga ang mga college friends ko. Nagkita-kita kami kanina kasi dumating si Jeffer from Singapura. Ala lang. Ang saya. Parang ganon pa rin. Iba na nga lang kasi engaged na ako, si Pat official Wow Philippines 'tour guide' na, si Noel and Wins Globe na, at si Jeffer ay OFW sa Singapura. Pero bottomline, sila pa rin yung mga kaibigan ko for almost 8 years now. Wow. 8 years. Looking back, kung nakinig lang ako sa kanila talaga sa lahat ng mga payo nila, siguro hindi ako nagpakatanga sa mga exes ko non. Hahaha. Oh well, ok lang dahil meron namang realizations 1 & 3. :)

REALIZATION NO. 5 -- Kakaiba pala ang taste ko noon. Dahil sa realizations 1 & 3, na-derive ko na wala pala akong kwenta mamili ng lalake noon. Ok. So ayoko naman sobrang manlait kasi hindi naman ako Zhang Ziyi-ganda at hindi naman ako perfect at alam ko naman may topak din ako (ALTHOUGH mas malaki topak ng mga ex ko non) pero gusto ko lang magpakatotoo na wala nga ata akong standards at definite set of criteria sa pagpili ng boylet o bf noon. In short, antanga ko talaga noon. Ok. Antanga-tanga. To be fair, I'm sure naman na nag-evolve na sila. Well, sana naman kasi kahit nga unggoy nag-e-evolve to be human di ba? And I'm sure by now, may mga babaeng nabingwit na sila kung saan swak sila sa standards ng isa't isa. Pero kung alam ko lang dati ang alam ko na ngayon, marami akong oras, pera, effort, energy at makeup na nai-save. Pero again, since tatanga-tanga ako, nangyari na ang mga nangyari. Buti na lang may realizations 1 & 3. At buti na lang, may mga moments na 'Wow, ito pala ang dahilan kung ba't antanga ko dati! Ayuz, pwede na rin pala magpakatanga. Wag lang super sobra.' So ayun. Katangahan ended last April 24, 2007. Charing!!!

REALIZATION NO.6 -- Buti na lang di ako sobrang nagpakatanga. Kasi kung nasobrahan, baka di ako naka-UP. Baka ibang set of friends meron ako. Baka hindi ko nahiwalayan yung mga hindi pa nag-evolve na mga lalake sa buhay ko non. Baka hindi ko na-recognize na si Mark na pala. Baka hindi ako na-promote kasi wala naman sigurong nap0-promote na tatanga-tanga.

REALIZATION NO.7 -- Inaantok na ako. Nakaantok pala ang blog. I better shutdown this PC.

Good night.

Sunday, August 03, 2008

So...Seminar Atbp

So ubos ang buong araw namin, and I mean buong araw from 830am-5pm sa Pre-Cana seminar sa Del Strada sa Katipunan. Shempre nalimutan kong tanong kung anong ibig sabihin ng Pre-Cana kanina. Basta um-attend lang ako. Ay, kami pala. E kasi required. Kasi hindi namin makukuha ang marriage license ng walang letter na nagpapatunay na um-attend kami ng seminar. So ayun. Hala! Attend! Kahit na gusto ko sana matulog ng buong Sabado para maiba naman.

So going back to the seminar, 2 parts yun. May morning session na parang Christian Living all over again. From 'Who is God?' to 'The Sacraments'. Ok sana syang review kung kinabukasan, ituturo ko sa mga kids yung term na transubstantiation pero dahil hindi, medyo na-bore ako. Panay tingin ko sa relo ni Mark kung 12 na ba. Kasi gusto ko na kumain ng Jollibee Chicken Joy sa Katipunan Petron. Can't wait to do the 'laman now, balat later!'

So fast forward. Natapos din ang morning sermon also known as breeze through Catechism 101 for me. We landed at Ineng's BBQ sa may Petron pa rin dahil sabi ni Mark, hindi pa raw kami nakakakain don. So go. Pero shempre dahil hindi ko kaya na hindi kumain ng LaPaz Batchoy soup sa Jollibee, bumili ako ron at dinala ko na lang sa Ineng's. Sarap! Perfect for walang humpay light drizzle all-day weather. Basa ang canvas sandals ko kakalakad from one restaurant to another pero ok lang. Katangahan naman ang mag-peep toe canvas sandals sa weather na 'to. At sulit kasi masarap naman ang BBQ at ang LaPaz Batchoy na maraming chicharon bits.

So PM session naman. Hala! Ang daming questionnaires. Topics on relationships, money, in-laws, religion, sex at family planning. Medyo old school yung nagturo na catechist-slash-obgyn-slash-mother of twins. Ok naman sya. Better than the morning tutor pero old school pa rin. Medyo light pa rin ang attack sa discussions. Gusto ko sana yung macha-challenge ako sa pagsagot but apparently, yung mga questions, napag-usapan na namin ni Mark at one point during our 15 months of being together. So I guess good sign din. Ibig sabihin, review lang 'to lahat para sa amin.

So after non, simba kami with mudra sa Holy Family ng 630pm na as usual late nagsimula at super haba ng homily. At dahil ganon din ang nangyari sa amin nung nagsimba kami ron the previous day for First Friday mass, ayaw na ata ni Mark magsimba ron sa susunod. Ako, as usual, dedma. Gusto ko na lang umuwi at kumain ng sinigang ng bangus sa bayabas na luto ni mudra. Yummm... After ng dinner sa bahay, Startbucks with TJ and his gf and Mark sa Greenhills at late dessert na white chocolate sa Chili's. Tapos ito, nagba-blog na ako kasi busog pa ako.

So, ayun. Hindi ko pa rin alam ang meaning ng Pre-Cana. Ok lang. Tapos na naman. At matutulog na lang ako. One off our list!

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter