This Girl's InLab With U Pare!
Note: Para sa mga in-lab sa barkada nila ang blog entry na 'to! :)
1:18am Sunday. Gising pa ako. Kakaiba 'to. Usually gising lang ako ng gantong oras kapag nasa gimik, minumulto (may multo sa kwarto ko...pero different blog entry na lang yun) o kaya sobrang bondat sa kabusugan. So anong sagot sa pagpupuyat ko? Letter D. As in D. None of the above.
Namfoknat naman! Kung kelan ako tumanda at nagkaisip, saka ko pinagdadaanan ang highschool emotional whirl.
You know how it goes... Matagal ng friends si girl and guy. Ok naman sila. Masaya. Gaguhan. Kulitan. From the start, si girl tingin lang kay guy ay friend. Si guy naman, tingin kay girl one of the boys. But nooooo!!! After 10,000 years, nagising si girl.
Tiiiiiiinnnnngggg!!!
DAH! Like pala niya si guy. And I mean SOBRANG LIKE, like super like to the point na naisip niya, siya na yata ang kanyang THE ONE. Just when this happened, saka nagsabi si guy na may nakilala syang girl na decided na nyang ligawan dahil he firmly believes, ito na ang kanyang THE ONE.
O di ba? Matagal nang kumita 'to sa mga kanta, pelikula, email chains at kahit sa Love Notes ni Joe D Mango, nabulaslas na 'to.
So let me say it again. Namfoknat naman!
How can you reconcile that and just accept that just when you finally realized that your THE ONE has another THE ONE in mind? Anlabo di ba? Pero syempre, kelangan kong paalalahanan ang sarili ko na dalagang Pilipina ako kaya wala akong gagawin. Hahayaan ko na lang ang kirot sa paminsan-minsang pagkukwento niya tungkol sa DA GIRL nya. Wish upon a star na lang na magiging ok din ako. In time. Mamanhid din.
So what are my next steps? Ipapaskel ko sa salamin sa CR ko ang phrase 'This too shall pass' para maalala ko na isa itong pagtutunggali ng mind over heart at gagawin ko ang lahat para si mind ang manalo. Paulit-ulit kong sasabihin na 'Wala lang 'to!' kapag sinusumpong sya ng pagka-sweet at sa paningin ko cute pa rin sya kahit mukhang hindi nagsuklay at walang kwenta pumorma. Itutuloy ko pa rin ang chat sessions at full attendance pa rin ako sa mga gimiks para mag-shopping o lumabas sa kung saan man dahil we're just friends and friends do that at dahil na rin mao-obvious kung iiwas ako. Hahayaan ko ang sarili ko na tumingin sa paligid at maghanap ng ibang prospects dahil wala na talagang pag-asa 'to. At higit sa lahat, hindi na muna ako makikinig ng senti music while rain is dripping down my window pane para maiwasan ang MTV moments that I so love to succumb to.
Haaaay! Please tell me, this is a brilliant plan. Puh-leaaaaseeeee...
Goodluck! Goodluck na lang talaga to me!