Random Boredom
Medyo lang super duper bored na ako at naatat na akong umuwi. It's 442pm here and I'm waiting for my carpool buddy to finish working. It's our own small way of saving mother earth by chunking up less gas. At least, isa sa amin totoong nagtatrabaho 'di ba? Ako, heto. Nakanganga. Naghihintay kung matutuloy ba 'tong project namin o hindi. Ewan ko ba. Tinopak ang client namin. Kesyo kulang daw sa budget. Kesyo 'di raw nila yata kelangan ang ide-develop naming application kaya wag na lang paggastusan. Kesyo pag-iisipan pa raw nila. Mga 2 weeks daw. Kaya heto, wala akong choice kundi bumanjing at mag-pretend na hindi ako natatakot kung saan ako pupulutin kung hindi matuloy 'tong project na 'to. For 2 whole weeks.
Actually, medyo nakakatamad na nga. Gusto ko namang may gawin. Pero tapos ko na rin kasi ang mga tasks ko for until next week (Ay! Ganon? Pabiboh?). Mga chenelyn chembular ribbon trimmings na lang ang kulang at plangak! Deliverable na! Kaya pagbigyan nyo na ako. May karapatan akong tumanga, at mag-blog ng thought bubbles ko. Wag ka na mainis. Binabasa mo rin naman 'to. Pampalipas oras mo rin 'to.
Ok. Tama na 'to. Uwian na!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home