|
|
|
Saturday, April 04, 2009
Ang Aking 'Moment'
So bigla na lang ako nagkaron ng 'moment'. Alam mo yung biglang may 'moment in time' na bigla ka na lang napatanga at napaisip. At ito pa! Kakaiba itong moment kong 'to. It happened in the midst of ginormous (uy, imbento ng spelling!) na may uber-neuron eating contents na kelangan ko i-digest at i-review. Ok. I was working when this happened. Bigla kong na-miss Pinas. Di ko alam. Ok naman ang weather today. 40s. Ok na yun kung nasa Minnesota ka at parang winter 8 months of the year. Bigla kong na-miss ang bahay namin sa QC. Ang bahay ni Mark sa QC na tinirhan ko ng 3 months. Ang aso kong pinaampon ko na kay Jane. Ang mga lunch baon ko na luto ni mader. Ang mga barkada kong ang theme for 2009 ay 'Fitness' kaya naman ang mga Facebook pictures ay marathon, climbing at wind surfing (hindi naman ako naiinggit kasi may Wii Fit naman ako. HA!). Ang mga friends ko from work na hindi ko naman masyado maka-chat kasi busy rin sila sa umaga (crap na time zone to oh!). Ang sana mura na gupit at hair color ko kung sa Pinas ko pinagawa. Ang gimik sa Starbucks na hanggang umaga. Ang mga tsaa sa Cafe Breton at ang La Pinay. Ang naiwan kong team sa Accenture na alam kong sobrang demotivated na ngayon dahil slave driver ang project at ang mga tao sa paligid nila (Parang gusto ko tuloy magpadala ng isang bag ng assorted chocolates pero wala atang uuwi sa Pinas before May. Crap!). Ang mga Tagalog movies na nakakasuka na hindi ko napapanood. Ang tusok-tusok fishballs sa UP. Lechon, buong menu ng Gerry's Grill, Eastwood Cinemas. Biglang parang gusto ko na sana may magsabi na kaibigan ko na ikakasal sila before the year ends para may rason ako para maglustay ng pera para sa plane ticket at makauwi ng Pinas. Haaaaaay. After 4 months, saka lang ako na-homesick. Kelan kaya ako uuwi? Haaaay. Haaaay. Salidumay-diwaaaaay... Work na nga ulit ako. Kelangan ko na i-submit 'to. Crap!
Friday, March 06, 2009
Blog Revamp
Crap! Kelangan ko na baguhin ang blog ko. Panis na 'tong Orange. If only I have the time to revamp this. I will find time. I will! Kelangan!!! Kelan kaya?
Ducks In A Row
People ask how are we now as a married couple. And we always say 'Wala lang!' E kasi wala lang naman talaga. Wala namang masyadong changes except for the fact I live with him now and I get to see him first thing in the morning and the last one I see at night. We were lying on the bed one late night and I was 5 minutes from falling asleep when Mark asked 'So kasal na talaga tayo noh?' Hahaha. Nakakaloka. It was 2 weeks after the ceremony and he still can't believe it. Kasi naman parang wala lang talaga. It's like we just attended a mass and threw a moderately expensive party at ayun! Kasal na pala kami. Oo nga. Wala namang drastic changes. I guess from day 1 when we decided to be a couple, it was almost effortless and easy. Our transition from being engaged to finally being married was no different. They say sasakit ulo mo pag nag-asawa ka na. Pero so far, ok naman. Kahit yung mga maliliit na bagay na dapat siguro naiinis na ako ngayon dahil part ng adjustment, hindi naman nagiging issue. Hindi issue ang baliktad na pag-roll ng tissue, ang hindi nya pag-up ng toilet seat after he's done, ang pag pindot ng toothpaste in the middle instead of starting at the tip end. I guess I see more of his doing the laundry and getting the vacuum cleaner do it's work without me asking. And my seeing that makes me ignore the other small things. I guess it's the whole white bond paper with small black ink spots. I just prefer to see the bigger white spaces instead of the spots. Sure there are bigger things ahead. Crazy decisions to make like buy a house this year, decide when to finally have a kid or two by next year maybe, who's plowing the snow, what investments to make. But for now, we're settled with our charming condo with it's utter lack of furnitures in the land of Snow White called Richfield Minnesota. We're happy with our new ride Viola (she's a blackberry pearl Honda Sport Fit) at happy na kami na graduate na kami sa dagul Pathfinder that my ever-so-nice company lent to us while we can't take the bus during the highs (or maybe lows) of winter. At parang ok na kami sa mga simpleng weekend gimik namin to Costco, Super Target, HOM, Slumberland at IKEA. We'll be up for the big things in time. Pero sa ngayon...isa-isa lang muna. We're making this our year to get all the ducks in our row. Mighty ducks!!! Adventure!!! HA!
Tuesday, November 25, 2008
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Malapit na. I have more or less a month to go and I will not longer be an employee based in the Philippines. Mixed feelings. Natutuwa ako kasi alam kong I made the right decision - to be where I will be happier and that is to be with my family. And being married meant that Mark is now my family. Yun nga lang, I will also leave my other 'family' here - mom. Ganon daw talaga. Damang-dama ko ang -- "A man leaves his father and mother and is joined to his wife, and the two are united into one." So there. I will fly a few weeks from now to do that. Leave my mom and my dog sampu ng aking mga kamag-anak. Gorah ang lola mo! Ok. Balik ako sa mixed feelings. First job ko 'to. Mahirap iwan ang 7 1/2 years. So why am I attached? I-bullet points ko -- --3 US trips, my last being the most memorable since because of that I met Mark. -- Forever friendships. Here and in the US and in some selected parts of the world --4 projects where I had 4 'kids' na parang lumaki na sa akin for my first ever lead role project, 24 amazing personalities in my current super-pahirap project. Shempre may mga reasons din why I can smile now that I'm leaving. Hindi naman ako plastic. May mga ayaw rin ako at more than happy ako na takasan like -- Forgettable personalities whom I'm so glad I don't have to be reminded everyday that they actually exist whenever I pass by the corridors of the building. -- Admin tasks. Enough said. --Working 2 shifts and the guilty feeling I have whenever I can't join the 9-10pm calls kahit na super valid naman ang reason. -- All-day meetings. And I mean ALL DAY. -- Documents and more documents. Ok. Hindi naman ako tanga. I know I will also experience these when I get into my new job. Nagkalat yan at nagkalat sila - ang mga taong hindi mo alam kung pano sila nakakatulog sa gabi. And I'm so very sure may mga corridors yet to be passed by me kung saan matatagpuan ko sila. But until then, I want to be relieved and I want to believe that I won't hear from them, except for their 'karma' news. And maybe I won't have to deal with a lot of them in my next job. Well, let's see. With that said, I also hope I will have more forever friendships and real people to be met and to share chika moments with in my next job and in the next neighborhood I'll be in. Sana nagkalat din doon ang mga totoong nice na tao na nice because they are really nice and not because they need something from you. Kasi marami rin akong iiwan na ganon sa current job ko. And it does break my heart to leave them. But I'm sure I will hear how they succeeded, how they climbed the ladder and how they've grown in their careers. Malalaman at malalaman mo naman kapag may good news di ba? At yun na lang sana ang malaman ko. Yung mga makakarma, wag na lang. Ewan ko. Ka-excite na katakot. This is a leap. A giant leap. Goodluck sa pagtalon ko. With eyes closed, toes crossed and with my hand holding Mark's sweaty hand tightly... JUMP! And I'm out of the comfort zone.
Saturday, November 08, 2008
Awesome. Really.
I think the coolest thing to being married is that he gets to become the first person you see when you wake up in the morning and the last one you can hug before you fall asleep. So it leaves you really no choice but to start your day right. Really awesome! :)
Friday, November 07, 2008
Wednesday, November 05, 2008
Done with October
Busy. Hectic. Frustrated. Relieved. Happy. Contented. Right. October's over. Lahat na yata ng pwede ko maramdaman, naramdaman ko sa buwang ito. But I think this picture sums it all... I'm just so glad my forever started in October. :)
Sunday, September 07, 2008
Lately
So lately napapaisip na ako kung worth it ba 'tong trabaho ko. Ok. So mga 3 years na yung 'lately' pero lately talaga super dalas ko na syang naiisip. Like dalas in terms of everyday when I need to have a call ng 9-10pm. EVERYDAY. Including Saturdays and Sundays and Holidays. Naawa rin ako sa team namin kasi pumapasok kami ng weekends so wala na talagang pahinga at wala na talagang quality time with friends and family. So pag tinatanong kami kung kumusta ang weekend, ang sagot ay 'Weekend? Anong weekend?' E kahit nga ang pagkain ng fishballs sa UP na 10 minutes away lang sa bahay ko, hindi ko magawa kanina kasi sa major work. To think yun lang ang 'gimik' ko sana this weekend. Making tusok-tusok sana the fishballs. So in between getting healed from the impacted teeth operation to spending quality kamot tummy time with my furry ball dog, I worked like crazy. Crazy hours from 8am to 11pm with the phone ringing from morning 'til night. Gerry, a good friend said, this pays the bills and some more. Yun na lang daw ang isipin ko kapag nahihirapan ako hanapin ang reason for working these many hours to something na nahihirapan talaga akong makita kung totoo ngang may true 'cause'. Sabi nga nila, if you can't beat them, join them. I joined pero hindi ko makita ang point. At parang ayoko ata sayangin ang non-thirty years ko sa gantong buhay. Ang lusot na lang yata rito ay ang mag-resign. But I need the moolah. Na part of it pinambabayad ko rin ng DSL every month to be able to work from home sa gabi at sa weekends at sa holidays. So lately napapaisip na ako kung worth it ba 'tong trabaho ko. Mag-resign na kaya ako? What if? At kelan?
Monday, September 01, 2008
Impaktang Impacted
5th day na ng pagiging 'Walking Pear' ko. Bakit pear? Ok. Ano ba hitsura ng pear? Ang pear may batik-batik sa taas di ba? Makipot sa taas tapos biglang lobo sa baba? Ayun, ganon mukha ko. May batik-batik sa paligid ng mata kasi nagpa-cauterize ako ng warts the morning before I had my 2 impacted teeth taken out. Hindi naman ako masokista. Wala lang na talaga akong oras. Kaya dahil leave ako, pinagsama ko sya sa isang araw. Warts sa umaga, 2 impacted teeth sa hapon. Awa ng Diyos kinaya ko naman. Umiyak lang ako sa sakit nung sa pangalawang ngipin na yung tinatanggal at nung mga 1 hr and 45mins nang hinihinila paroo't parito ung bibig ko para lang makuha yung hinayupak na super impacted at super taas na malaking ngipin sa right side ko. Yup, left side sa ibaba naman yung isa. Kaya nga pear ang shape ko. Both cheeks maga at parehong mabilog. So for the past 4 days, soup na malamig at blended fruits lang kinakain ko. Instant diet. Detox para parang celebrity! Hindi naman ako nagrereklamo. Nagsawawa lang na ako. Pero ok na rin dahil tumaba ako based on the gown fitting I had last week. E pano ba naman! Bago ako mag-gown fitting, lumafhos pa kami sa Dencio's at nag-halu-halo sa Iceberg's pa pagkatapos sa Metrowalk. Walang pakundangan! Ayun, 2 tao ang nag-zipper ng damit ko. HAHAHAHA. So ayun, blessing in disguise na rin 'to. Sana lang may ipayat naman ako sa paghihirap kong 'to dahil sawa na ako sa malamig na sopas. Haaaaay...buhay! Wala namang nabago. Kahit na nung nilalagnat ako nung Huwebes at Biyernes, work pa rin ako at calls dito at doon dahil walang kinikilalang operada ang client namin. Kahit na soft spoken ako, calls pa rin. Well, ngayon nakakasalita na ako pero masakit lang tumatawa. So aside from bawal akong kumain ng matino, bawal din akong masaya. Ngiti na bitin lang pwede. Ang mag-joke sa paligid ko bubunutan ko ng ngipin. Yup, brutal kung brutal. Damay-damay na 'to! Gusto ko na gumising bukas at makitang normal na mala-Serg's football na ang mukha ko. Pero malabo pa yun. Sabi ni doc, tatanggalin pa lang nya ang tahi sa Miyerkules so baka dun pa lang medyo humupa na ang swelling. So goodluck ulit sa akin. I'm sure mga 2 linggo pa akong soft diet. Iniisip ko nga mag-Gerber o Cerelac na lang pag nagsawa na ako sa mga sopas. Isipin ko pa at iche-check ko pa ang flavors. Wala ng sense 'to. Matutulog na ako. Gusto ko lang mag-blog kasi ito na yata ang pinakamasakit na operasyon ko to date. Sana mas masakit na 'to sa panganganak. Malalaman natin. Siguro in 3 yrs time. Haaaaaay!!! Meme na pear! :)
Saturday, August 16, 2008
2AM Realizations
Hola! Gising pa ako! Nawala na ata antok ko. Nalipasan ng antok kung meron mang ganon. Kakauwi ko lang from dinner with bossings and desert chika with college friends. Tapos konting check ng work emails dito at doon. Tapos konting surf sa multiply at friendster. Tapos, ayun. Di pa rin ako inaantok. Crap! Reunion pa naman ng angkan ng nanay ko bukas kaya kadiri 'to kung may eyebags ako. Hmm...so anong pwedeng gawin para antukin? Wala naman ata. Tatanga lang ako hanggang sa antukin. Pero bago ako tumanga, gusto ko lang i-document ang mga realizations ko for the day. REALIZATION NO.1 -- Ambait pala talaga ng mapapangasawa ko. Teka naman. Alam ko naman mabait na sya dati pero nakakatuwa lang na everyday napapaalala at nadidildil sa utak ko na mabait sya. At as in yung tunay na bait. Walang halong hidden agenda. DAH! Ano pa bang iha-hide nyang agenda, e magpapakasal na nga kami di ba? So ayun, natuwa lang ako. Ambait nya talaga. Haaaaay...swerte ko naman! REALIZATION NO.2 -- Promoted na ako. Hindi ito realization pero gusto ko lang sabihin para lang ma-document. Di pa alam ng nanay ko. Malalaman din nya pag dumating na yung ref nyang bago na binili namin last week. Sasabihin ko na lang na yun na ang libre ko sa kanya. Crap! Ang mahal na libre!!! Sana pala nag-buffet na lang kami sa Shang-The Heat. Pero ok lang. Nanay ko naman yun. At utang na loob, kelangan na mag-retire ng ref naming ka-birth year ko pa. So ok na. Buti na lang promoted ako kaya may pambili ng ref. Wish ko na lang mataas increase. REALIZATION NO.3 -- Gwapo naman pala ang mapapangasawa ko. Oo. Hindi talaga ako nagagwapuhan sa kanya nung una. Kahit nung pangalawa o pangatlo. And so on and so forth. Pero lately, nung na-reach na nya ang ideal weight nya, na-realize ko...'Aba! E gwaping naman pala.' Although (at ito ay isang malaking ALTHOUGH) hindi mala-'Aga Muhlach gwaping' as what he claims pero gwaping in his own way naman. So ayun, mabait na, gwaping pa. Tapos sobrang mahal pa ako! (Putek dapat lang naman di ba?) Haaaay...swerte ko naman! REALIZATION NO.4 -- One of the best things sa buhay ko talaga ang mga college friends ko. Nagkita-kita kami kanina kasi dumating si Jeffer from Singapura. Ala lang. Ang saya. Parang ganon pa rin. Iba na nga lang kasi engaged na ako, si Pat official Wow Philippines 'tour guide' na, si Noel and Wins Globe na, at si Jeffer ay OFW sa Singapura. Pero bottomline, sila pa rin yung mga kaibigan ko for almost 8 years now. Wow. 8 years. Looking back, kung nakinig lang ako sa kanila talaga sa lahat ng mga payo nila, siguro hindi ako nagpakatanga sa mga exes ko non. Hahaha. Oh well, ok lang dahil meron namang realizations 1 & 3. :) REALIZATION NO. 5 -- Kakaiba pala ang taste ko noon. Dahil sa realizations 1 & 3, na-derive ko na wala pala akong kwenta mamili ng lalake noon. Ok. So ayoko naman sobrang manlait kasi hindi naman ako Zhang Ziyi-ganda at hindi naman ako perfect at alam ko naman may topak din ako (ALTHOUGH mas malaki topak ng mga ex ko non) pero gusto ko lang magpakatotoo na wala nga ata akong standards at definite set of criteria sa pagpili ng boylet o bf noon. In short, antanga ko talaga noon. Ok. Antanga-tanga. To be fair, I'm sure naman na nag-evolve na sila. Well, sana naman kasi kahit nga unggoy nag-e-evolve to be human di ba? And I'm sure by now, may mga babaeng nabingwit na sila kung saan swak sila sa standards ng isa't isa. Pero kung alam ko lang dati ang alam ko na ngayon, marami akong oras, pera, effort, energy at makeup na nai-save. Pero again, since tatanga-tanga ako, nangyari na ang mga nangyari. Buti na lang may realizations 1 & 3. At buti na lang, may mga moments na 'Wow, ito pala ang dahilan kung ba't antanga ko dati! Ayuz, pwede na rin pala magpakatanga. Wag lang super sobra.' So ayun. Katangahan ended last April 24, 2007. Charing!!! REALIZATION NO.6 -- Buti na lang di ako sobrang nagpakatanga. Kasi kung nasobrahan, baka di ako naka-UP. Baka ibang set of friends meron ako. Baka hindi ko nahiwalayan yung mga hindi pa nag-evolve na mga lalake sa buhay ko non. Baka hindi ko na-recognize na si Mark na pala. Baka hindi ako na-promote kasi wala naman sigurong nap0-promote na tatanga-tanga. REALIZATION NO.7 -- Inaantok na ako. Nakaantok pala ang blog. I better shutdown this PC. Good night.
|
|
|