Ang Aking 'Moment'
So bigla na lang ako nagkaron ng 'moment'. Alam mo yung biglang may 'moment in time' na bigla ka na lang napatanga at napaisip. At ito pa! Kakaiba itong moment kong 'to. It happened in the midst of ginormous (uy, imbento ng spelling!) na may uber-neuron eating contents na kelangan ko i-digest at i-review.
Ok. I was working when this happened.
Bigla kong na-miss Pinas.
Di ko alam. Ok naman ang weather today. 40s. Ok na yun kung nasa Minnesota ka at parang winter 8 months of the year. Bigla kong na-miss ang bahay namin sa QC. Ang bahay ni Mark sa QC na tinirhan ko ng 3 months. Ang aso kong pinaampon ko na kay Jane. Ang mga lunch baon ko na luto ni mader. Ang mga barkada kong ang theme for 2009 ay 'Fitness' kaya naman ang mga Facebook pictures ay marathon, climbing at wind surfing (hindi naman ako naiinggit kasi may Wii Fit naman ako. HA!). Ang mga friends ko from work na hindi ko naman masyado maka-chat kasi busy rin sila sa umaga (crap na time zone to oh!). Ang sana mura na gupit at hair color ko kung sa Pinas ko pinagawa. Ang gimik sa Starbucks na hanggang umaga. Ang mga tsaa sa Cafe Breton at ang La Pinay. Ang naiwan kong team sa Accenture na alam kong sobrang demotivated na ngayon dahil slave driver ang project at ang mga tao sa paligid nila (Parang gusto ko tuloy magpadala ng isang bag ng assorted chocolates pero wala atang uuwi sa Pinas before May. Crap!). Ang mga Tagalog movies na nakakasuka na hindi ko napapanood. Ang tusok-tusok fishballs sa UP. Lechon, buong menu ng Gerry's Grill, Eastwood Cinemas.
Biglang parang gusto ko na sana may magsabi na kaibigan ko na ikakasal sila before the year ends para may rason ako para maglustay ng pera para sa plane ticket at makauwi ng Pinas.
Haaaaaay. After 4 months, saka lang ako na-homesick.
Kelan kaya ako uuwi?
Haaaay. Haaaay. Salidumay-diwaaaaay...
Work na nga ulit ako. Kelangan ko na i-submit 'to. Crap!