101 Days
Teka, magtu-12 na. Hinabol ko lang 'tong blog na 'to kahit antok na ako kasi...
Kasi...
101 days to go at hindi na ako Consi Consebido sa company ID ko. Well, if I count the number of weeks for my company to do the name change plus-minus the admin-adminan tasks for this to complete, hindi nga siguro 101 days noh? So pwede ko pa nga siguro gawin 'tong blog entry na 'to next week, or the week after this next.
Haaaaay...whatever.
101 days to go...before I walk down the short aisle that I specifically mentioned to my coordinator and to my bitter half nung naghahanap kami ng simbahan. Nakakatamad kaya ang mahabang aisle. Mahirap mag-glide ng matagal a...
101 days to go at officially hindi na ako makakalandi . Well sabi ng mga sutil kong kaibigan, makakalandi pa rin ako pero I'm sure mega konsyensya ako 'non while feeling nagta-tighten ang white gold ring around my finger. So no. Ayokong magmukhang manas ang ring finger ko. So no to landi.
101 days at part na ako ng couple. Totoong couple na pwede nang maging member ng Couples for Christ. Chos!
101 days at mas maliit na ang tax ko. Yay! :)
101 days at from then on, makaka-receive na ako ng invite na hindi lang pangalan ko ang nasa sobre. Crap! Plus 1 na talaga ako. Mas magastos na ako imbitahan.
101 days to go at masisimot na ang bank account na na-open para lang sa major event na 'to.
101 days to go at ang bawat desisyon ko sa buhay, major, minor or minorette will affect another significant human being na itago natin sa pangalang Mark.
101 days to go...
go..
go...
go!!!
Haaaaay....blue...blue...sapphire blue*... :)
*(kantahin sa salin ng 'brewed, brewed...tastes like brewed)