Hala! Wedding Updates!
Antagal ko na palang walang post! Egad!
Buti na lang kinulit ako ni Dada na mag-update naman ako. Oo nga naman. Wala nga naman akong kwentang bride-to-be kundi ako marunong mag-update tungkol sa upcoming super big step of my life. Ni hindi pa nga alam ng ibang kaibigan ko na ikakasal na ako. Naririnig lang nila sa paligid. Binubulong ng hangin at chinichismis ng mga bubwit. Pasensya na talaga. Alam kong uso ang mga Wedding Sites, Blog on Weddings at mga libreng weddining announcement sites pero wala yata talagang maasahan sa aming dalawa ni Mark. Ang importante lang kasi sa amin, alam ng mga mahal namin sa buhay na ikakasal kami. Basta makikita namin yung mga gusto naming makita ron, pwede na yun aside from the fact na maganda dapat ang gown ko. Yun lang naman. Walang eklat-eklat. Ikakasal na nga kami. Tapos. :)
At pramis, balak ko naman talaga mag-send ng matinong Save The Date thru email. At naka-workplan sya na matatapos ko sya by the end of this month. That means may 2 weeks pa ako. Di pa ako delayed sa plan. So ayun...abangan na lang natin kung anong hitsura non. Malamang simpleng one-liner lang na -- Oct. 24. Dumalo ka! Importante ka dahil kasama ka sa budget! Ok? Luv Yah!
HAHAHA! Hala! Wala man lang drama. Di man lang pinag-isipan. Well, masyado na ako nag-isip tungkol sa pagpapakasal so ang execution kelangan wala ng isip-isip. So ayun, opo. Magse-send po ako. Pramis.
At by the way, sapphire blue ang motif. I-google mo. 'Sapphire blue'. Lalabas sa top search, hindi wholesome na site. HAHAHAHA. Hindi namin sinasadya! Malay ba naming pag ginoogle-ize ang 'sapphire blue' ay yun pala ang lalabas. Tinawanan ko na lang and I just took it as a sign na it's meant na yun ang maging motif namin since naaliw ako sa top 1 search. (Uy, igu-google na nya??? Na-curious ka noh? Aminin?!)
Kumpleto na ang entourage kahit na medyo irita ako dahil yung mga girls na iba ay nasa ibang bansa at hindi pa rin sure na makakarating kaya guests na lang sila tuloy instead of image models who will rampage the aisle in their sapphire blue long gowns. Haaaaay...buhay OFW! Ganon talaga! :)
Ok na ang invitations. Sa super busy ko, hindi ko nache-check ang voicemail ko sa bahay kaya last week pa pala sya ready for pick-up pero kanina ko lang nalaman. So kukunin na namin next week. Simple lang sya. Walang lace, walang pop-up. Invitation. Tapos. Ang eklat lang ay yung gagawin kong wax seal to -- (at nahulaan mo) seal the envelope. Siguro pag sinipag ako, pwede ko i-scan yun, kunan ng pics ang mga personalized napkins at i-post dito. Or not. Corny pag nakita nyo na di ba? :)
Ok na rin ang shoes ko. Hahaha. Last month ko pa nabili. Hindi sya Jimmy Choo dahil naisip ko na walang kwenta magsayang ng $500 sa isang white satin shoes na madudumihan sa Pinas at hindi ko naman din pwedeng gamitin sa gimik at office. So ang binili ko ay ang pwede sa gimik. Again, pag sinipag ako, ipo-post ko. Or not. :)
Aside from Church and reception na na-book na namin bago pa man kami bumalik dito, ok na florist, food, music at reception. Ang problema ko na lang children's choir dahil so far, wala pa kaming naririnig na professional children's choir na tunog children pa sila. At isa pang To-Do ay i-book ang photo and video na papayag sa gusto naming package dahil ayoko ng digital album. Gusto ko yung old school album na pictures lang talaga. Classic na kahit 50 years from now, hindi ko tatawanan yung layout ng pictures dahil by then super astig na ng mga layouts (o baka nga 3D na). So ayun, tuloy ang paghahanap ng wedding coordinator ko...Go Bea!!! :)
Gown? Yan ang pinaka-importante sa lahat...at least for me dahil sa wedding pwede raw akong maging selfish dahil araw ko yun! Meron na naman akong design at designer at malamang sa Pinas ko na papagawa. Pero pag sinuwerte baka may makita pa akong gown dito. Bahala na kung anong mangyari sa trunk shows in the coming weeks sa bridal shop sa St. Paul na hindi ko ma-pronounce (L'Atelier Couture).
In furnez to me, hindi ako maarteng bride. Sa totoo lang mas involved pa si Mark sa mga knitty-gritty details. Ako lang ang taga-budget, taga-gawa at taga-maintain ng checklist which I like. Para lang naman akong may mini-project na magastos at minsan masakit sa ulo. Buti na lang may wedding coordinator para mamoblema para sa amin. Wuhoooo!!! Salamat Bea! Hehehe.
Anyway, yan na po ang wedding updates. For now, ayusin muna namin ang giveaways at gifts to sponsors at itsura ng missalette. Sa susunod na wedding update!!! Yay!!! :)