Friday, July 27, 2007

US Visa At Si Mudra

So hindi nabigyan ng US visa ang mudra ko.

Invern. Kainelz.

Ang tagal ko pa namang pinangarap na makapunta sya rito. Basta. Isa sa mga checklist ko bago ako ma-chugi sa mundo ang makapunta ang nanay ko rito sa US. Para makapasyal naman sya. Para makita naman nya ang snow at hindi makuntento sa styrosnow. Para matikman niya ang turkey sa Thanksgiving. Para ma-nosebleed sya sa pag-e-English. Para matakot sya mag-drive sa freeway. Para makita si Mickey. Para makita ang mga kamag-anak niya. Para makita ako kung pano ang buhay ko rito...

Mukhang hindi ko ata mache-check ang box sa tabi ng 'MOM chorma to US' sa aking checklist. O siguro hindi pa ngayong taon. Sana.

Ewan ko ba. Minsan ganon talaga ang buhay. Parang gulong. Nasusunog. At minsan gumuguho ang pangarap mo dahil lang sa isang kupal na consul na ayaw maniwala na hindi naman sobrang ganda ng bansa na lahat na lang ng mapadpad dun ay siguradong mag-t-TNT. Uber sa self esteem!!!

Ok. Di na ako magpapaka-bitter. Meron pa namang next time. Habang may buhay, may US embassy schedule interview. At habang may schedule, may chance na matatapat ang nanay ko sa matinong consul. Haaaay...Yun lang.

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter