Pwede
Heto na naman ako. Nag-iisip. Natutulala. Gumuguhit ng kung anuman sa hangin. Nagtatrabaho nga pero panay ang tingin sa telepono na abot kamay lang. Ito na nga. Para na naman akong ilusyonada. Nagbabakasakali na tutunog ang fone at baka naman hindi ang telemarketer na malapit ko na isumpa ang tatawag. Ewan. Naisip ko lang. Baka lang naman ikaw ang tumawag. Isang malaking baka.
Hindi naman siguro masama na sa pagkakataong ito, maari kong isipin na pwede. Sige. Iisipin ko na nga. Pwede ka. Papasa. Kasi naman sa totoo lang, pwede naman talaga ako. Kung matutunan ko lang alisin 'tong pagkamanhid ko, pwede talaga. Sinasabi ko lang na hindi dahil matigas lang ulo ko at makulit ako. Siguro nga dapat tigilan ko na ang walang paroroonan kong pag-iisip ng 'Wala lang yun!'dahil sa pagkakataong ito, baka meron. Mukhang meron.
Heto na naman ako. Nagtatanong. Baka nga? Pwde nga kaya? Siguro nga. Sana nga.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home