Friday, September 29, 2006

That Fungus Line

Isa sa mga slumbook questions ngayon ang 'favorite movie line'. Wait. Bago niyo ako tingnan ng karimarimarim na 'Eewwwww, that's so 1980's!' na tingin, gusto ko lang linawin na wala akong slumbook. Ok? Klaro na ba? Ngayon na medyo hindi na kadiri ang tingin mo sa akin, let's move on...

Merong kung anumang kakaibaing effect ang movie na My BestFriend's Wedding sa akin. In fairness to me, hindi ako napapagod panoorin sya. Fine. It's a chickflick. Pero kung kaya ko siyang panoorin ng paulit-ulit, hanggang sa masuka na lahat ng kasama ko sa bahay, feeling ko kaya mo rin. Maganda naman sya. May oomph. Plus I love the silk lavander dress on Julia.

No, he's nothing like me. He's like you, actually, only straight.

Nakaka-relate ako sa character ni Julia Roberts (Julianne Potter). Ang tanong? Paano ako naging ilusyonada? Ito ang mga ebidensya.

1) Bakla ang bestfriend/s ko. (Actually, bakla 80% ng kaibigan ko. And I'm not kidding.)
2) I was kulot once a upon a time.
3) I could be a food critic with how much I eat.
4) I love videoke.
5) I'm not comfortable unless I stand out.

Ok...ok...medyo pilit na ang konek. At aaminin ko, kahit kailan, hindi naman akong na-inlababo sa bestfriend ko. I was never into friends-becoming-lovers kinda thing. Sa akin, kapag barkada, hindi dapat tinatalo. Kung binabato kita ng throwpillow at binabatukan kita kapag nag-aasaran tayo, asahan mo sa susunod, sofa na ang ibabato ko sayo. That's how it works in my world. Kapag platonic from the start, platonic na habang buhay. Pero sabi nga nila sa akin, wag daw akong magsalita ng tapos. You can never tell. Minsan daw sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. So far, sa akin, doon din nagtatapos.

I'm pond scum. Well, lower actually. I'm like the fungus that feeds on pond scum.
Lower. The pus that infects the mucus that cruds up the fungus that feeds on the pond
scum.
On the other hand, thank you for loving me that much, that way. It's pretty flattering.
Except it makes me fungus.

Pero yung mahulog ng sobrang hulog na kakayanin mong magpaka- fungus para lang masabi mo na mahal mo ang isang tao -- ito yata ang gusto ko masubukan.

Adik? Masokista? Hopeless romantic? Bahala ka kung anong gusto mong isampang kaso sa akin. Pero sa lahat ng kalokohan sa buhay, isa lang ang pinaniwalaan ko. Kung hindi mo kayang magmahal na parang wala ng bukas, kung hindi mo kayang gawin ang lahat para malaman kung may posibilidad na maging kayo, kung kaya mo matulog na hindi nalalaman kung pano magmahal na sobra pa sa inakala mong kaya mo... Ito lang ang masasabi ko -- Kita mo yung bintana niyo sa opisina sa 10th floor? Bukas na bukas din, pumunta ka ron at tumalon ka. Wag ka na lang mabuhay. Cause you're missing a lot dude!

But hope is not lost. Dahil concerned citizen ako, ito ang gawin mo.

1) Kung mahilig ka manood ng movies: Magkulong ka sa kwarto at manood ka ng love stories hanggang mag-sink-in sayo kung pano talaga magmahal.
2) Kung mahilig ka magbasa: Humiram ng Mills & Boon sa mga nanay at kapatid ng nanay mo.
4) Kung mahilig ka mag-jamming: Makinig ka ng senti music.
5) Kung sinusumpa mo ang love stories at senti songs: Manood ka ng mga documentaries kung bakit nagkaron ng Taj Mahal o kahit anong feature on people sa history, discovery or national geographic channel.

Hindi mo pa ba gets? Kahit saan ka tumingin, iisa lang ang sinasabi ng lahat. Magmahal ka. Ng lubos. Hanggang sa maloka ka. Dahil kung kulang pa ron ang kaya mo, ano pang saysay ng buhay mo?

When you love someone. You say it, you say it out loud. Right now. Or the moment passes you by...

Masaya siguro na maranasan na isigaw mo na minsan, ikaw ay nagpaka-fungus. Pero kung may mabulag man ako na magpapaka-fungus para sa akin, malamang hindi rin naman ako magrereklamo.

Teka lang, ang tagal nang naka-pause nito at kukunat na ang fish crackers ko. Uhhmmm....Fish crackers with suka and garlic while watching My BestFriend's Wedding...Perfect!

3 Comments:

At 10:39 AM, Blogger Toni said...

oh my.. conchita? is that u? bring back consi! wehehehe...

 
At 1:23 PM, Blogger Vitamin Cee said...

Langya ka TONING! Anong akala mo sa akin? Mas matigas pa sa bato na nilulunok ni Darna? I have feelings too you know! Hahahaha! Shet. Can't wait for you to come over here!!! Ingat ka dear! God bless! Mwah :)

 
At 5:40 AM, Anonymous Anonymous said...

yeah..where da h#ll is my best friend, u alien!!

 

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
Abducted
Goodnight And Go
Allow Me To Be Mushy
Bukas Luluhod Ang Mga Stars
You Had Me At...
Editor's Karma
Anti-Social
Why Not?
Natalie Angeline
Two
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter