Glad To Be YOUR Joke
Isang malaking joke na naman ako kay God.
Patulog na ako nang bigla kong na-realize na nawawala si Hyacinth Margaux. No. Hindi ko sya anak sa pagkadalaga. Lalong hindi sya isa sa mga batang iniwan sa daycare center at laong hindi ako nagtatrabaho sa daycare center. Si Hyacinth Margaux ang celfone ko. Actually, hindi lang sya celfone. PDA at mp3 player ko rin sya pero mainly tambakan ng files at pictures kaya importante sya sa akin. Sa sobrang pagka-importante niya sa akin, kinailangan ko syang pangalanang Hyacinth Margaux. Baket sa dinami-dami ng pangalan, Hyacinth Margaux pa? E sa gusto ko. Weno ngayon?
Going back to my story, nawawala nga si HM. Nawindang ako. Gabi na. 9pm. Kung anu-ano na tumakbo sa utak ko. Naiwan ko kaya sa oficina? Naiwan ko kaya sa kotse? Baka nahulog sa bag ko nung papunta akong kotse. Sang floor kaya nahulog? May nakapulot kaya? Shet. Pano na pictures ko??? *Hinga...hinga...* Nasa kotse yan. Nasa kotse. Sige lang. Sabihin ko lang nang paulit-ulit. Baka sa sobrang pag-iisip, magkatotoo.
Dali-dali akong nagbihis. Jeans, sweater, keys. BestBuy Badge ID -- Baka sakaling malas at wala sa kotse at kelangan ko nga pumunta ng office. Kesehodang mag-drive ako ng gabi kesa hindi ako makatulog sa kakaisip. Mas importante sa akin na maganda bukas at walang eyebags kesa hintayin ang bukas.
Papunta na ako sa garage at habang naglalakad, nagdasal ako. God, sana nasa kotse. Please lang...sana nasa kotse. Kahit ito na birthday gift Mo sa akin. Mahal ko yung phone na yun. At mahal din sya. Please, sana makita ko sa kotse. Kahit yun na lang talaga gift Mo sa akin. Di na ako hihiling. Pramis.
Bago ko pa man naisip ang halaga ng last 3 sentences na sinabi ko, nasa harap na ako ng kotse. Madilim. Nakow! Mahirap 'to. Black pa naman casing ng fone ko at black din ang carpet ng kotse. Bukas na ang door sa likod. Kapa...kapa... Ewwwwww! Matagal ko na palang hindi napapagpag 'tong carpet. Pero naman! As if may choice ako. Kapa...kapa...kapa pa... Teka. May black na kung anuman. Mukhang casing...maliit. Si HM? Shet! That's it! Ang fone ko!!!
At parang may narinig akong tumatawa sa Taas na naisahan ako.
Doink! Bigla kong na-realize ang katangahan ko. That's it. Wala na. Kelangan ko nang namnamin 'to. This is the moment. Ito na yung gift ni God para sa birthday ko. Langya, naisahan nga ako. Me and my big mouth. Napatingin na lang ako sa hinahawakan kong fone. Hay naku, kasalanan mo 'to Hyacinth! Hindi ko tuloy siya maihihiling kay God as my birthday gift.
Pero God, alam Mo, salamat. Grabe. Mahal Mo talaga ako. In furnez, ang bilis ng turnaround ng hiling ko. Kahit pa alam Mong nagsisisi ako ng bahagya dahil hindi na ako makakahiling ng iba, aminin Mo namang natuwa Ka na rin dahil kahit papano, napasaya Kita sa katangahan ko. Fine. Ano pa nga ba? I'm just glad to be Your joke for the day.
Ito na. Totoo na 'to. Walang halong sarcasm at hindi nababalot ng pag-iimbot. Salamat God!
Pero wait lang...baka naman pwede pa rin akong humirit? You know. Sumkinda sign. Pero wag naman yung sobrang nakakaloka na tipong burning bush. What if lang God? Please???
0 Comments:
Post a Comment
<< Home