Wednesday, June 21, 2006

G-A-P

Ganito pala ang feeling ng night shift. Bangag. Bored. Walang makausap kundi mga taong sira ang body clock, nasa US o katulad mo ring night shift.

Namfoknat! Ba’t ba kasi nauso ang on-call 24-hour support? Kelan ba nagsimulang sobrang maging demanding ang mga tao? Pano ba nila nalaman na ikamamatay nila kapag may maling kung anuman ang mangyari sa system at hindi na pwedeng hintayin pa ang bukas?

Kapag namatay ba ako itatanong kaya ng Diyos kung nasagot ko yung issue kung bakit nagka-core dump? Hmmm...Malamang lang hindi.

It’s 350 am and I’ve just eaten my go bigtime quarter pounder with cheese meal. Night shift and 24-hr McDo delivery. Isn’t this a classic?

Sunday, June 04, 2006

Sis

I can believe my sister is getting married in 6 days. Oo tama ang basa niyo. Hindi ito formula ‘I can’t believe…’ chuchubells drama. I CAN BELIEVE talaga.

Ang gulo ngayon sa bahay namin. Ang gulo ng nanay at kapatid ko. Kung kilala niyo ang mag-ina, aayon kayo sa amin ng tatay ko na hindi na nga kami dapat makisali sa gulo. Daig nila ang palengke tuwing Sabado ng umaga. Pero naiintindihan ko naman. Unang kasal ito sa pamilya kaya excited ang lahat. Kaya pagbigyan.

Hindi naman sa pagmamayabang pero ang ate ko na yata ang pinakamagandang nailuwal ng kahit sinuman sa angkan namin. For some queer reason, umayon ang forces of the universe sa genes niya. Matalino si ate. Mabait. Nung mga bata pa kami, masunurin yan (take note: nung mga bata pa kami). Matiisin din. Akala mo hindi mauubos ang pasensya dahil hindi marunong magreklamo. At syempre dahil maganda, habulin ng mga lalake. Awa ng Diyos, most of the time, nagpapahabol naman.

Fast forward. Natupad ang pangarap niyang maging flight attendant. Kaya naman nung unang alis ni ate papuntang Jeddah para magtrabaho sa Saudia Airlines, umapaw ang luha sa Duval Townhomes (a.k.a. bahay namin). Si ate kasi ang bestfriend ko - hindi dahil wala akong choice dahil 2 lang kaming magkapatid (although sometimes you can put it that way), pero dahil bestfriend ko talaga siya. Ang laking kawalan sa akin nung umalis siya. Ang hirap. Tatawag yan halos araw-araw para lang umiyak sa amin. Ang nanay kong praning, panay ang dasal na sana hindi mag-crash ang eroplano. At ako, dahil bata pa ako non, wala naman akong kayang gawin kundi ang umiyak. Ngunit nang magsimula na syang magpadala ng pictures sa bawat lugar na mapuntahan niya, nung nakatikim na siya ng snow at naakyat na ang Eiffel Tower, humupa rin ang pagda-drama. Kasabay ng pagdating ng mga pasalubong na branded na damit galing kay ate, naging masaya ako para sa kanya. Iilan lang ba ang sinuswerte na gawin ang gusto talaga nila sa buhay? Nakakatuwang isipin na isa ron ang ate ko.

Siyempre may kapalit ito. Maswerte na lang na magkita kami ng tatlong beses sa isang taon. Nabuhay kami sa snail mail, chat at email. Sa bawat pagkikita namin, napansin ko na marami na rin ang nag-iba sa kanya. Siguro dahil na rin sa pagkatapos ng kolehiyo, kinailangan niya nang mamuhay mag-isa, makisalamuha sa iba't ibang lahi, tumira sa lugar na hindi pwdeng magsimba tuwing Linggo dagdag pa ang unti-unting pagkasira ng body clock. Ngunit kahit malayo siya, hindi naman nawala talaga si ate. Siya pa rin yung dating masungit pag minsan pero maalalahanin. Sabog madalas pero bumabawi sa pagkalambing. Ganon yata talaga. Kapag hindi mo madalas makasama ang isang tao, mas bibigyan mo ng halaga ang bawat pagkakataon na meron kayo. Wala naman talagang nagbago kahit pa flawless at mukhang mayaman na siya ngayon. Para sa akin, siya pa rin galisin kong ate na gumawa ng mga projects ko nung gradeschool.

Kahapon pinaalala niya sa akin na magsasalita ako sa reception ng kasal niya. Natawa ako. Sabi ko “Pwede bang sabihin ko ‘Sa wakas, kinasal na rin! Bwahahaha!” Pero sa totoo lang, nung sinabi niya na may speech akong dapat gawin, parang biglang nagkaroon ng sinigwelas sa lalamunan ko. Natakot talaga ako. Baka magkalat ako o kaya naman matameme sa kaba. Baka masabi ko na excited na akong makita ang mga sutil nyang anak na mana sa kanya. Baka bantaan ko ang magiging asawa niya na magkamali lang siya sa kapatid ko at lintik lang ang walang ganti. Pero higit sa lahat, natakot ako dahil baka masabi ko na mami-miss ko sya. Baka masabi ko na siya lang ang hinayupak kong bestfriend at nalulungkot ako dahil mag-iiba na ang lahat pagkatapos ng gabing yun. Baka hindi ako makapag-joke sa speech ko at umiyak na lang ako sa halu-halong emosyon na tuwa, lungkot at takot. Baka pagkaiyak ko, kumalat eyeliner ko. Baka magmistulang teledrama ang kasal ni ate maiyak din nanay at tatay ko. Haaay... Ayoko na ata. Iniisip ko pa lang, nanghihina na ako.

Mali pala ako. Now, I can’t believe my sister is getting married.

 
Past Posts
Ang Aking 'Moment'
Blog Revamp
Ducks In A Row
Sagot sa Blog Entry na 'Lately'
Awesome. Really.
Wedding Pics
Done with October
Lately
Impaktang Impacted
2AM Realizations
Archives
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
November 2008
March 2009
April 2009




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter