Wednesday, November 01, 2006

Sana

Sana hindi na lang ako natuwa.

Sana hindi ko kinailangang kalimutan ka bago kita lubusang makilala.

Sana hindi pa ako pagod sa buhay at kaya ko pang makipagbolohan.

Sana hindi ko kelangang isipin na wala ka na sa radar ng posibilidad ko.

Sana bata pa ako para may excuse pa ako para maging tanga at magkamali.

Sana may iba akong choice other than mainis, malungkot o maging manhid.

Sana makatulog ako at sa paggising ko, malaman ko na panaginip lang pala ang lahat.

Sana pwede akong mag-fast forward.

Sana may crystal ball ako para alam ko na kung anong mangyayari.

Sana hindi na naman ito isang makulit na joke ni God dahil pramis, hindi na yata ako natatawa.

Sana lang babaan ni God ang expectations Niya sa akin dahil parang hindi na yata kinakaya ng powers ko ang mga challenges.

Sana puwede kong sabihin na 'It's ok. It's alright. Expected ko naman!' nang hindi ako maiinis pagkatapos.

Sana matapos na 'to.

Sana puwedeng hindi ako magkunwari na ok lang ako dahil hindi yata talaga ok 'to.

Sana kahit minsan, may karapatan akong maging mahina at magngangawa dahil minsan naman talaga, nakakapanghina at nakakaiyak ang buhay.

Sana bukas kapag binasa ko ulit 'to, matatawa na lang ako.

Sana hindi ko kinailangang isulat ang blog na 'to.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
Late
Perfetch!
Simple Saturday
Ganon Nga
LSS of the Week
Pwede
27
Let It Snow
Glad To Be YOUR Joke
Fall
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter