Tuesday, September 05, 2006

Editor's Karma

Holiday. Wala akong magawa kaya nagpakalunod ako sa blogspot at sa friendster. Kaya hayun, nagbasa ako ng mga dati kong posts at ng profile ko na isang taon ko na yatang hindi ina-update.

And then, it happened. Nosebleed.

Bigla kong nakita ang mga wrong prepositions kong nagamit sa profile at sa blog entries ko. Ang sakit sa tenga pakinggan. Major eksena!!! Naturingan pa namang isang taon na yun na nakabalandra sa aking page at kung sinu-sino pa naman ang nakakabasa non (O wag na mag-comment. For a moment, I would like to hallucinate na one of the most visited ang profile at blogspot ko...Please, don't ruin this for me. Echos!). And to make it more apocalyptic, pinangalandakan ko pa naman sa profile ko na I love writing. Namfoknat talaga! Gasp. Ano 'to? Tipong I love writing wrong sentences? E ako pa naman, mainit dugo ko sa mga nababasa kong may wrong grammar at yung mga maling subject-verb agreement na sentences na nakaka-nosebleed. Ngunit, datapwat, subalit isa rin pala akong biktima. English 101 victim.

Ito na yata ang karma ko sa mga panlalait ko. Tila nakita ko si Oble na bumaba mula sa kanyang pedestal sabay kinutusan ako..."Huy! UP ka pa man din. Wattisdamaterwichooo?" That's it. Gusto ko na mag-Japan-japan (aka Harakiri). But instead of slashing my abdomen with a perfectly crafted sword, I will punish myself by not having hairspa next weekend. Tama lang ito. Let me have a bad hair week. I deserve it.

On second thought, tao lang naman ako. Nagkakamali. At higit sa lahat, atat mag-click ng Save at Publish Post buttons at hindi nag-e-edit. Ungas talaga! Sabi nga ni Booba -- ganon talaga ang buhay, parang gulong, minsan nasusunog. Pero hindi ako si Booba - dahil wala akong boobs at feeling ko naman hindi pa lahat ng neurons ko ay napapatay nina Corona Extra, Smirnoff, Absolut at ni Red Horse. So I guess, may utak pa ako. Sana...

But just like any other fall, I must get up and rise from the occasion. That's it. From now on, I won't let myself be swept by that rush of clicking that Save or Publish Post button without editing my post -- once, twice, three times (to prove I'm) a lady. I promise. No more nosebleed. And I will be kinder to other writers posting their thoughts in the WWW. Baka nga naman tulad lang nila ako...click lang ng click. Nagmamadali. Hindi nag-iisip.

Lesson learned - Hindi dapat nagtitiwala sa unang click. :)

1 Comments:

At 8:41 PM, Blogger Toni said...

magta-tagalog na ako.. hahaha.. gusko ko ang mga blog entries mo ha.... ikalat ang kabaklaan sa blogs!

miss you dear! your perky pechayness...

 

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
Anti-Social
Why Not?
Natalie Angeline
Two
G-A-P
Sis
Commencement Exercises
Royal Tru-Orange
Hibernation
Lolo Buendia
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter