Buendia Jeep
Picture this:
Umaga. Rush hour. Buendia jeep. Punuan. As usual siksikan. Other entities in the jeep are insignificant except for the Clumsy Girl In Shades at ang katabi nyang Knight in Shining Bobblebee.
Eto ang nangyari.
Si Clumsy Girl In Shades naghahagilap ng barya para ibayad. Clumsy nga di ba? For some weird and queer twist of events, nahulog mula sa wallet ang mga barya. Akmang aabutin ng girlalu ang mga baryang nagkalat sa lapag without thinking of poise and image. Dedma naman na. The presence of poise in her life is admittedly a lost cause. Ngunit, datapwat, subalit our Knight in Shining Bobblebee ay nag-initiate ding pulutin ang mga barya sa lapag. Buti na lang hindi ito comedy at hindi sila nag-untugan. Seeing the gentlemanly act, hinayaan ni Clumsy Girl si Knight na pulutin ang mga baryang piping saksi ng lahat. At hindi nabigo si girl. Pinulot ni Knight ang mga ito…isa-isa. Sigh! Buti na lang naka-shades ang girlash kundi mamamay siya sa hiya. After 525,600 minutes of picking up coins, binigay ni Knight ang mga barya ng lola…with a smile. Si lola natameme. Oh yes! Cute si Knight in Shining Bobblebee. Thank God for shades at hindi obvious na for 2 seconds ay napatitig lang ang lola. Shempre, since may training beauty queen ang ating bida, ginather niya lahat ng natitirang composure sabay super smile at nagpasalamat saying… ‘Salamat!’ Egad! How stupid. Yun lang ang nasabi nya! Haller? At shempre loser kasi naka-retainers pa pala si lola. Of all days na hindi dapat suotin ang retainers, ba’t hindi pa ngayon? Anyway, may we say once again say with feelings how cute our knight is! Like powerful cuteness. (Sensya na. Ang storyteller hirap maka-get over!) OK. Going back to the kwento…Habang nagbabalik ng barya ang lola sa wallet, nagmu-multi-task din sya checking out the presence or the absence of THE RING in the fingers of the Cute Knight. Hummm…left…none. Now right….none! Wagi! Absence it is! (Ok…ok…in the course of it all, huwag nating kalimutang nasa jeep tayo kaya’t tayo ay gumalaw) Konti pang andar ng jeep at lumagpas na ang ating mga bida ng Makati Ave. Maluwag na ang jeep. Suddenly, tumango si Knight. Tila may na-sight! Anak ng piso! May remnant pa ng clumsiness ng lola. Kinuha ni Knight ito, sabay smile to the girl showing the piso. Smile. Smile back the girl while taking the piso. This time English na ‘Thank you’ sabay girly giggle ang sagot. Stupid. Sumisigaw ang utak ng lola sa sarili na ‘Anu baaaa…Not powerful. You could’ve done better than that!’ Pero tapos na. As if may magagawa pa siya. Doink! Pinas ito. Hindi normal ang magsabi ng ‘Really nice of you to pick up the evidence of my clumsiness. By the way, can I have your number?’ Like DAH!
Andar. Andar pa ng slight. And then suddenly like a thief in the night…ayan na ang Malugay street. Stop sign. Stop sigh….Bumaba na sya. The Knight in Shining Bobblebee is getting off the jeep while our Clumsy Girl looks at him with dismay. Goodbye my Knight…this is not the end. Sa susunod na Buendia ride!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home