Wednesday, October 03, 2007

Pre-Birthday Blues

Ayoko pa ata mag-birthday.


Hindi dahil ayoko pa tumanda. Hindi dahil kapag tinanong ako kung anong edad ko, hindi ko na pwedeng sabihing mid-20s. Hindi dahil parang tumatagal yata ng hindi ko inaasahan ang quarter life crisis ko. Hindi dahil dalawang tumbling na lang at wala na ako sa Pebrero.


Pwede ko siguro ubusin ang character limit ng blog ko pero hindi ko pa rin masasabi lahat ng it's-not-those-reasons sa utak ko. That or pagod na ako at ayoko na lang mag-isip.

I think both.

Hindi talaga ako mapakali. Halos isang linggo na lang at kailangan ko na namang tumanda. At parang natatakot ako na wala yata akong masyadong pinagkatandaan. Well, hindi naman sa wala talaga. Hindi ko lang ata inaasahan na by this time, I would find myself here. Nowhere and surrounded by a cloud of uncertainty. May mga gabi na napapatanga lang ako at iniisa-isa ko sa utak ko lahat ng aspeto ng buhay ko. Ano bang magagawa ko pa para maayos 'tong pamilya kong sabog? Masaya na ba talaga ako sa trabaho ko? Kapag tinopak ba ako at sinimot ko ang savings ko para bumili ng 2nd hand na auto at binili ko lahat ng Kate Spade na bag na gusto ko, may makakain pa ba ako? At syempre nandyan ang mga mas importanteng mga bagay tulad ng...Tatangkad pa kaya ako? Pwde kayang maging kamukha ko si Zhang Ziyi? Hindi ba talaga sa akin ang anak ni Dennis Trillo?

Pasalamat ako sa Diyos at may nag-iisang maayos at sigurado ngayon sa buhay ko. Hindi na papayat ang boypren ko.

Ay, at isa pa pala. Na mukhang sa lahat ng mali kong ginawa, tumama na yata ako sa aspeto ng pagpili ng lalake.

Pero dahil tao lang ako at hindi marunong makuntento, hindi pa rin ako 101% masaya. At kelangan talaga 101% dahil over-achiever ako.

GOD, grant me the Serenity to accept the things I cannot change, the courage to change the things I can and the Wisdom to know the difference.

Hindi naman ako humihingi ng Serenenity at Wisdom. Mukhang ok na ako ron. Kailangan ko ata ng maraming courage. God, pengeng isang sakong courage as my birthday gift. I need a change. A big change. I just don't know where to start and what I should change.

I'm hoping one of these days, God will show me what I should do. And because He's ever so generous, He will give me choices. Difficult ones. At nakikinita ko ng Deal or No Deal ang drama nito.

Hello, Banker?

Haaaaay...Goodluck sa akin at sana hindi makulitan sa akin si Banker.

3 Comments:

At 10:14 PM, Blogger Toni said...

lolah! :) advance happy birthday :)
mwah! mwah! mwah!

 
At 5:59 PM, Blogger criswithoutanh said...

advance happy birthday, dear.
mishu
:-)

 
At 10:04 AM, Blogger ..JL said...

maligayang kaarawan^_^

 

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
Super Sadness
This Girl's InLab With U Pare!
Pano Ubusin Ang 8 Hrs...
Random Boredom
Grey Area
So Just Meet the Parents
Concert Quarter
Busy-busyhan...
US Visa At Si Mudra
2 Months
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter