Saturday, October 13, 2007

Buffalo Wings

220pm na dito. Friday, Oct.12 pero lalabas sa blog ko Oct. 13 na dahil hanggang ngayon, di ko pa rin ina-adjust ang oras ng blog ko. Wala lang. Pero usually dahil tamad lang talaga ako magbutingting ng blog ko. (Antamad ko nga maglagay ng pics at di na nga nagbago ang hitsura nitong blog ko e, pag-adjust pa kaya ng oras?)

Anyway, going back...Ayan. Handa na ang bag ko. Ok na lahat. Naka-empake na. Magsi-siesta na lang ako at paggising ko, go na to the airport to see Niagara Falls!!!

Actually, bukas ko pa sya talaga makikita dahil 12midnight na ata kami makakarating sa hotel. Kaya kahit na may forecast ng ulan bukas buong araw, dedma. Go pa rin kami.

At dahil pupunta kami sa Buffalo, bigla kong naisip na kelangan kong kumain ng Buffalo Wings! Mataas ang expectation ko na masarap. Dahil kung hindi, e di sana dito na lang sa tabi-tabi ako bumili. Kahit nga sa suking tindahan ng Cub dito sa Edina Minnesota, meron non. Kaya umaasa ako na masarap. At tipong masasabi ko na 'Aaah, kaya naman pala Buffalo Wings...'

Yun lang. Share ko lang. At oo nga pala, Happy birthday to me!!! :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Past Posts
Nice Surprises
Super Sadness Part 2
Pre-Birthday Blues
Super Sadness
This Girl's InLab With U Pare!
Pano Ubusin Ang 8 Hrs...
Random Boredom
Grey Area
So Just Meet the Parents
Concert Quarter
Archives




Blogger Friends


Design by Carlo Genato

 
Free Counter
Free Counter